Malaki at magarbo ang debut ni Julia Barretto sa March 10 dahil last year pa lang, pinaghahandaan na nito sa pangunguna ng inang si Marjorie Barretto. Sa Instagram (IG), ipinakita ang series of meetings na ginawa sa paghahanda sa debut ni Julia.
Si Michael Cinco ang gagawa ng gown ni Julia at hindi sa kanyang debut ang first time na magsusuot ito ng gown na gawa ng fashion designer. Dahil noong 2013 Star Magic Ball, ang Dubai-based Filipino designer din ang gumawa ng kanyang gown.
Nagsimula na rin ang food tasting the other day sa Shangri-La Makati. Pumunta sina Julia at tiyak may mga susunod pang food tasting bago sila makapili ng magki-cater.
Kaya lang, sa nangyayari, mukhang hindi makadadalo si Dennis Padilla sa debut ng anak, ito’y kundi maaayos ang gulo sa kanila hanggang sa birthday ni Julia. At mukhang hindi lang si Dennis ang hindi makadadalo, pati si Gretchen Barretto na obvious na may conflict sa inang si Marjorie. Pansin na pansin sa kani-kanyang IG na may conflict ang magkapatid dahil sa absence ng pictures na magkasama sila. Nakakapanibago ito dahil sobra silang close, pero ngayon, kanya-kanya muna sila ng buhay.
Sa nakaraang Holiday season kahit sa rami ng party na ibinigay ni Gretchen hindi makikita si Marjorie maging mga anak nito and vice-versa. Wala rin silang greetings sa isa’t isa na dati ay nababasa ng followers nila. Sabi ng kanilang followers, in-unfollow nila ang isa’t isa.
Parehong tahimik sina Gretchen at Marjorie sa sinasabing conflict, kaya hirap ang tao na malaman ang pinag-ugatan ng kanilang alitan.
Robin kay BB lang nalaman ang ibig sabihin ng transgender
Masaya ang presscon ng TV5 para sa sitcom nilang 2 ½ Daddies na tinatampukan nina Robin at Rommel Padilla pati na rin ni BB Gandanghari na pilot na mamayang 8:00 p.m. Uso sa tatlo ang laglagan, pero walang napikon sa kanila at nagkakatawanan sa ginanap na presscon. Napansin din naming hinayaan nina Rommel at Robin na si BB ang maging star.
Idea at concept ni Rommel ang 2 ½ Daddies, inilapit nila sa TV5 ito at nagustuhan naman ng mga boss, kaya thankful ang magkakapatid sa tiwala at pagsugal ng network sa kanila. Ang wish ni Rommel, mapansin at mabigyan naman ng chance ng televiewers ang sitcom. Sa trailer at behind the scenes na ipinakita, nakakatawa ang sitcom.
Kung si Robin ay si Alice Dixson ang love interest, si Rommel ay tatlo ang love interest na kinabibilangan nina Kim, Bea, at YanYan na kamukha nina Kim Chiu, Bea Alonzo, at Marian Rivera. Magkakaroon din ng love interest si BB, pero sikreto pa raw.
Aliw ang sinabi ni Robin na hindi nila alam ang ibig sabihin ng “transgender” dati, pero dahil kay BB, nalaman nila at tinanggap ang kapatid. Ang ganda ng advice nina Robin at Rommel sa mga pamilyang may transgender na kaanak.
Sabi ni Rommel: “Gaya ng sinabi ko, sa una namnamin ang sakit and then move on. Wala namang may gusto, kaya mahalin at tanggapin na lang.”
“Andiyan na ‘yan at ‘wag nang dramahin. Noon kami drinama namin kaya maraming masasakit na nangyari. Maging masaya na lang,” ayon naman kay Robin.
Empress nag-topless sa unang trabaho sa GMA
Sexy ang TV plugging ng Afternoon Prime ng GMA-7 na Kailan Ba Tama ang Mali dahil may kuha na topless sina Geoff Eigenmann at Dion Ignacio at sexy tops din ang suot nina Max Collins at Empress Schuck.
First series ito ni Empress mula nang lumipat siya sa GMA-7, expect din niyang tungkol sa pag-alis sa ABS-CBN at paglipat sa Ch. 7 ang kabilang sa mga itatanong sa kanya.