Boses ni Xian bida sa pelikulang gawa ng Harry Potter producer!

MANILA, Philippines - Maganda ang pasok ng 2015 kay Xian Lim. Pangkabog ang first project niya dahil siya lang naman ang napiling official voice sa pelikula ng sikat na sikat na bear mula sa United Kingdom, ang Paddington.

Ang Paddington ay produced ni David Heyman na producer din ng Harry Potter, who personally approved Xian na maging boses ng well-loved bear sa pagpapalabas nito sa bansa. Sa ibang bansa ay meron din silang sariling local voice talent for Paddington. At sa US and other international releases, si Ben Whishaw ang ginamit na boses na isang English actor na pinakasalan ang Australian composer na si Mark Bradshaw sa Sidney last 2013 (civil partnership).

Kabilang sa ibang voice talents sa pelikula sina Michael Gambon (Albus Dumbledore in Harry Potter), Imelda Staunton (Dolores Umbridge in Harry Potter), and Julie Walters (Mrs. Weasley in Harry Potter).

“Nakaka-enjoy. A different experience. Iba ‘yung pakiramdam,” pahayag ng actor na sobrang excited with new venture dahil bibihira nga naman ang ganitong klase ng project.

Ayon pa sa actor, ito ang first time na gagamitin ang boses niya sa animated cha­racter pero with flying colors ay nagawa niya.

Binigyan siya ng coach dito. “When they presented the project to me, they asked if I would rather have a British accent or an American accent. We just added a touch of British.

“May coach provided and nagulat ang coach. Akala niya nakapag-dub na ako ng mara­ming beses dahil madali kong nasundan, it takes a bit of practice rin,” sabi niya sa presscon kahapon.
The story of Paddington ay unang lumabas in a series of books by Michael Bond in 1958.

Starring in the film as Millicent, the villain taxidermist, is Academy Award winner Nicole Kidman.

Mapapanood sa mga sinehan sa bansa ang pelikulang Paddington sa February 11, 2015 at ang Captive Cinema ang local distributor.

Hindi nag-audition si Xian. Nakita siya ng local distributor at ipina-approve sa producer ng pelikula at wala silang naging objection sa boses ng aktor.

Balitang may dalawang Kapamilya aktor na nag-aspire na masungkit ang rare opportunity pero si Xian ang pinaboran.
Samantala, natanong kay Xian kung anong nangyari sa project nilang Bridges. Umano’y nawala siya sa nasabing serye na hindi pa umeere dahil hindi raw makaarte. Pero ayon kay Xian : “Nang mabasa ko naman ang  script mas bagay talaga kay Paulo (Avelino). Good thing is, ibinalik nila ang KimXi,” banggit niya.

Ruffa hindi nagwo-worry kahit walang regular show

Confirmed na magkakaroon ng Season 3 ang It Takes Gutz to be a Gutierrez sa E! Channel. Mismong si Ruffa Gu­tierrez ang nagkuwento kahapon sa launching ng Cosmo Skin Premium Collagen na ini-endorse niya.

Kaya kahit hindi man siya napagkikita sa local networks, abala naman silang mag-anak sa It Takes… na pumatok sa international audience.

Kaya naman hindi na siya nagwo-worry kung wala man siyang contract sa kahit anong channel.

“Unless you’re 16 and you have a launching contract na they’re gonna launch you into full stardom. But I think, at my age now, it doesn’t matter which network I’m with because now, hindi na rin naman masyadong importante ang network, ngayon, nandiyan na ‘yung Internet, nandiyan na ‘yung social media, there are other avenues talaga wherein your voice can be heard.

“So it doesn’t really matter if you’re tied down to a contract in a station anymore, kasi ang dami nang bagong opportunities,” kuwento niya.

Samantala, hanggang ngayon ay may trauma pa siya sa nagpapakilalang ‘kapatid’ nila sa ama.

“’Yun nga, tinapon niya lahat ng bag sa bakuran namin, wala namang bomba or anything, pero puro ID niya, mga damit ang laman. Eh ‘yun nga, hinuli siya ng mga barangay tanod, anak daw siya ni Daddy.

 “Ang nakakaloka, my Dad and his alalay, nagbibilang talaga, kung talagang mayroon siyang naging girlfriend 25 years ago.

“Eh binibigyan pa sana ni mommy ng pera kasi baka akala, walang pera, kailangan  ng pera, tinarayan pa si mommy, “no, I don’t need that! I’m rich! I can afford!” So, hindi ko na alam,” mahabang kuwento ng actress kahapon.

Anyway, collagen pala ang dahilan kaya hanggang ngayong youthful looking pa rin ang actress.

“Our body produces collagen all by itself, but as we reach the age of mid-20s. Collagen production diminishes dramatically resulting to fine lines, wrinkles, stretch marks, and sagging skin.

“So, it’s a good thing that we can rely on a product like Cosmo Skin Premium Collagen, on my 6th day of use, I noticed a pinkish glow on my skin, the result is unbelievable! I also noticed that I have less hairfall and I have stronger nails,” Ruffa says.

“Cosmo Skin Premium Collagen have an impressive 95% absorption which makes it highly bioavai­lable, the reason for this is that we put our collagen in a special process called hydrolization, thus making it very easy to digest and absorb” explains Niño Bautista, ang may-ari ng Bargn Farmaceutici Phils Co (BFPC), na gumagawa ng Cosmo Skin Premium Collagen.                            

Show comments