Angelica walang tiwala kay JM

Wish ni Angelica Panganiban na sana raw ay natagpuan na niya ang kanyang tadhana sa katauhan ng kasalukuyan niyang karelasyon na si John Lloyd Cruz. Sinabi nito sa presscon ng kanyang indie movie na That Thing Called Tadhana kung saan kapareha niya si JM de Guzman na napag-uusapan na rin nila ang tungkol sa kasal, pero hindi seryoso. Katunayan ay nagagawa pa nilang pagtawanan ito. At siyempre, bago ang kasal ay kinakailangan ng isang proposal at dahil pareho silang artista inaasahan na magiging kasing bongga ito ng mga proposal na ginawa ng maraming kapareho nilang artista.

Nanalong Best Actress para sa kanyang role si Angelica bilang Mace para sa Cinema One Originals at Gawad Tanglaw na ecstatic siya dahil naka-tie pa niya si Nora Aunor.

“Nasa US ako nang mangyari ito at nang i-text nila ako, akala ko kasama ko lang na nominado si Ate Guy. ‘Yun pala pareho na kaming nanalo,” masa­yang kuwento pa ni Angelica.

Sinabi niyang nagpaka-showbiz muna siya bago tinanggap na makasama si JM, at in the process ay nawala sa isip niya ang offer.

“Nu’ng una tinanong ko sila kung wala na bang iba, bakit si JM? Pero nang makatrabaho ko na siya ng matagal ay binawi ko ‘yung pag-aalaala ko. Marami pa siyang kailangang patunayan, pero para talaga sa kanya ang movie,” paliwanag ng aktres.

Hindi ito first indie film ni Angelica. Nanalo na rin siyang Best Actress last year para sa China Doll.

Speaking of JM, nanibago ang lahat nang dumalo ang aktor sa pesscon nila dahil parang hanggang dun ay intimidated pa rin siya kay Angelica. Hindi halos marinig ang boses niya kapag sumasagot ito sa tanong ng media.

“Nauna nang kabahan ako nung first time namin sa set. Na-strstruck ako sa kanya pero never naman niya itong ipinaramdam sa akin,” paliwanag ni JM.

Show comments