MANILA, Philippines - Paglalapitin na muli ng tadhana ang mga karakter ng showbiz royalties na sina Julia Barretto at Iñigo Pascual sa pagpapatuloy ng kanilang Wansapanataym special na Wish Upon A Lusis ngayong Linggo (Enero 25). Sa kabila ng pagtutol ng kanyang ama, gagawin pa rin ni JP (Iñigo) ang lahat upang makita muli ang babae na bumihag sa kanyang puso na si Joy (Julia). Paano magbabago ang pagtingin ni JP para kay Joy sa oras na malaman niya ang tunay nitong pagkatao at ang hiwaga ng “magic lusis” na dahilan ng kanilang pagkikita? Tampok din sa Wansapanataym Presents Wish Upon A Lusis sina Susan Africa, Perla Bautista, Bobby Andrews, Miguel Vergara, Eunice Lagusad, Kazumi Porquez, Daisy Reyes, at Ana Roces. Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng Wansapanataym special nina Julia at Iñigo ngayong Linggo, sa ganap na alas-6:45 ng gabi pagkatapos ng Goin’ Bulilit sa ABS-CBN.