Sagabal kay Erap, natapos na!
Nag-rejoice kahapon ang mga Manileño dahil sa desisyon ng Supreme Court na manatili bilang alkalde ng Maynila si Papa Joseph Estrada.
Eleven-three (11-3) ang resulta ng boto ng justices ng Supreme Court at pabor ang nakararami na ibasura ang disqualification case na isinampa ni ex-Manila City Mayor Alfredo Lim laban kay Papa Erap.
Makakatulog na nang mahimbing ang supporters ni Papa Erap dahil wala nang sagabal sa panunungkulan niya.
Maipatutupad na ni Papa Erap ang lahat ng mga project at pagbabago na gusto niya para lalong umunlad ang Maynila.
Tiniyak din ni Papa Erap na magiging successor niya sa 2016 bilang ama ng Maynila ang kanyang bise na si Isko Moreno.
Napigilan ang hinuhulaan na pagkakagulo sa Maynila kapag natanggal sa puwesto si Papa Erap dahil sa Supreme Court decision na ikinatuwa ng kanyang mga supporter.
Opisina ni VP Binay nag-effort para sa Christmas gift
Nakatanggap ako ng phone call kahapon mula sa opisina ni Vice President Jojo Binay.
Ang secretary ni Papa Jojo ang nasa kabilang linya na humihingi ng paumanhin dahil nabasa nila ang column item ko kahapon tungkol sa “missing Christmas gift.”
Actually, hindi ako nasorpresa sa phone call na natanggap ko. Mas na-excite ako sa katotohanan na marami ang nagbabasa ng PSN at PM (Pang Masa).
Ipinaliwanag ng secretary ni Papa Jojo na hindi raw kasi niya alam kung saan ipadadala ang Christmas gift para sa akin.
Sinabi ko naman sa kanya na wondering and asking lang ako dahil baka nga nagpadala sila sa akin pero hindi ko natanggap. Baka kako naipadala nila sa ibang publication office.
Anyway, hiningi ni Madame secretary ang home address ko para sa belated Christmas gift from Papa Jojo.
Na-appreciate ko ang effort na gumawa ng paraan ang mga tauhan ng Vice-President ng Pilipinas na mahanap ang contact number ko at makausap ako.
At least, pinatunayan nila ang pagiging competent. Maraming salamat sa kanila at kay Papa Jojo na dapat tularan ng kanyang anak na si Senator Nancy Binay na hindi pa rin tinutupad ang promise na Thanksgiving party para sa entertainment writers na sumuporta sa senatorial bid niya noong 2013. Inuna pa ni Nancy na makipagbeso-beso kay Vice Ganda na nang-okray sa kanya noong panahon ng kampanya.
Well…well…well… what’s else is new?
Zsa Zsa magaling sa m
May-I-remind ko sa lahat na showing na mula pa kahapon ang M: Mother’s Maiden Name, ang indie movie na pinagbibidahan nina Zsa Zsa Padilla, Nico Antonio, Sue Prado, at Gloria Sevilla.
Palabas sa selected theaters ang M na nagbigay kay Zsa Zsa ng best actress trophy sa New Wave Section ng Metro Manila Film Festival 2014.
May mga kakilala ako na napanood ang M noong December at pare-pareho ang kanilang mga sinasabi, karapat-dapat na panoorin ang M dahil maganda ang pelikula, kapupulutan ng aral at mahuhusay ang mga artista sa pangunguna ni Zsa Zsa.
Tailor-made raw para kay Zsa Zsa ang role ng isang dying lawyer na may anak na baklita.
Hindi naman talaga matatawaran ang galing ni Zsa Zsa sa pag-arte na napatunayan na niya ng maraming beses sa kanyang past movies tulad ng Mano Po ng Regal Entertainment Inc.
Sa husay ng acting ni Zsa Zsa sa M, hindi impossible dream na madagdagan pa ang kanyang best actress trophy mula sa MMFF 2014.
- Latest