^

PSN Showbiz

Kaya dala-dalawa na ang pelikula sa Dos, ban ni Derek Ramsay mismong si Gabby Lopez ang nagpatanggal!

Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ang duda ng marami na babalik sa ABS-CBN si Derek Ramsay dahil co-producer ang Star Cine­ma sa pelikulang pagsasamahan nila nina Kris Aquino at Eugene Domingo.

“Napatawad” na nga ng Kapamil­ya network si Derek at ang manager niyang si Joji Dingcong sa desisyon nilang iwanan ang nasabing TV network in favor of TV5.

Three years exclusive contract na offer ng Dos noon kay Derek, pero pinili niyang maging isang Kapatid at pumirma nga sa TV network na pag-aari ng pamosong businessman na si Mr. Manny V. Pangilinan.

Obvious na may ban noon kay Derek sa mga show ng Dos at kahit sa mga pelikulang kasali siya at pina-plug sa Kapamilya network, hindi binabanggit ang kanyang pangalan.

Pero after three years nga, balitang mismong si Mr. Gabby Lopez na big boss ng Kapamilya network ang nag-“lift” ng ban kay Derek at nagdesisyon pang maging co-producer ng pelikula ng aktor kasosyo ang Quantum Films ni Atty. Joji Alonso at Regal Entertainment ni Mrs. Lily Monteverde.

Ayon sa manager ni Derek, natutuwa siya sa pangyayaring ‘yon, pero nang usisain ko si Joji sa tsikang babalik na sa ABS-CBN ang kanyang alaga, nilinaw na tanging sa pelikula lang sila freelancer at may kontrata pa rin sila sa TV5.

Sinabi rin ni Joji na muli silang mag­re-renew ng kontrata sa TV5 na malapit nang magtapos.

“We’re renewing,” sabi ni Joji.

Malaking bagay naman daw ‘yung sinasabing hindi na ban si Derek sa ABS-CBN.

“We’re very thankful na natapos na rin ‘yung three years na hindi puwedeng mag-promote sa ABS-CBN si Derek. Nagpapa­salamat talaga kami sa kanila. Siguro nakita rin nila na kahit may ganoong issue, hindi rin naman kami nagsalita. Tinanggap naman namin ‘yon. Then, nabalitaan ko nga, si Gabby na raw mismo ‘yung nagsabi na okay na.

“Now, bukod doon sa kasali siya sa pelikulang gagawin nila nina Kris at Eugene, may gagawin ding pelikula si Derek sa Cine­Bro, ‘yung bagong film company ng ABS-CBN na si Ma’am Charo (Santos-Concio) ang head at under Malou (Santos) din.

“Basta thankful kami na okay na ang lahat,” pahayag ng ma­nager ni Derek.

Samantala, bida naman si Derek kasama si Empoy Marquez sa bagong sitcom ng TV5 na Mac & Chiz.

Sobrang bilib daw si Derek kay Empoy at nagbiro pang ngayon lang siya na-insecure at ‘yon ay sa kanyang Mac & Chiz co-star.

Nakakalabas na ng bahay Jennica lampas na sa critical stage ng pagbubuntis

Medyo delikado pala ang pagbubuntis noong first three months ni Jennica Garcia, pero ngayon naman daw, okay na siya. Kaya tapos na ‘yung complete bed rest na order sa kanya ng kanyang mga doktor.

Noong Linggo nga, nakasama na si Jennica sa mister na si Alwyn Uytingco sa premiere night ng rom-com movie na #Ewankosau Saranghaeyo na pinagbibidahan nina Barbie Forteza at Francis Magundayao.

Medyo payat ngayon si Jennica at hindi pa naman halata ang ipinagbubuntis niya.

Importante kay Alwyn ang pelikulang #Ewankosau Saranghaeyo kaya sinamahan siya ng kanyang misis sa premiere night.

Assistant director ng #Ewankosau Saranghaeyo si Alwynn.

Ngayon nga pala ang opening day sa mga sinehan ng nasabing pelikula.

ALWYN UYTINGCO

BARBIE FORTEZA

CHIZ

DEREK

DEREK RAMSAY

EMPOY MARQUEZ

EWANKOSAU SARANGHAEYO

JENNICA

JOJI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with