Kulay ng Vatican na dilaw, ikinonekta sa pulitika!

Kahit nakabalik na sa Roma ang mahal na Santo Papa ay euphoric pa rin ang pakiramdam ng mga Filipino dahil sa five-day historical visit ng pina­kamataas na pinuno ng simbahang Katolika.

Dumayo pa kami ng Tacloban City para lamang matunghayan ang banal na misa ng Santo Padre na ginanap sa open grounds ng DZR Airport ng nasa­bing siyudad na siyang sentro ng pagbisita sa Pilipinas ni Pope Francis.

Nabigyan ng ibang ka­hulugan ang dilaw na plas­tic na kapote na ipinamigay sa mga pil­grims (inclu­ding Pope Francis and his en­tourage) not knowing na yellow ang official color ng Vatican. Kahit ang mahal na Santo Papa ay nagtiyagang gumamit ng ma­ni­pis at mumurahing raincoat na ipi­namigay ng libre.

At nakaalis na si Pope Francis nang kami ay mag­tungo ng Palo, Leyte para bisitahin ang napakagandang Palo Cathedral kung saan sa harapan nito ay nakalibing ang mahigit 300 Yolanda victims. Pinagan­da ito at nakaukit sa granite ang mga pangalan ng mga biktima kung saan nakatayo ang isang ma­­laking puting krus. Kasama ang mass grave sa binasbasan ni Pope Francis bago siya bumalik ng Maynila.

Bago lumipad si Pope Francis pabalik ng Maynila ay nalaman niya ang pagkamatay ng youth volun­teer na si Kristel Mae Padasas na nabagsakan ng spea­kers ng sound system na naka-install sa may stage kung saan ginanap ang misa ng Santo Papa. Bagay na kanyang ikinalungkot.

Bukod sa aksidenteng pagkamatay ni Kristel, sumadsad rin sa runway ang private plane kung saan lulan sina Sec. Sonny Coloma at Sec. Paquito Ochoa na siyang dahilan para makansela ang lahat ng incoming at outgoing flights ng Tacloban at kasama kami sa mga stranded passengers. Gusto na sana na­ming mag-via Cebu via Ormoc pero nasira naman ang van na aming sasakyan patungong Ormoc kaya hindi rin kami nakarating ng Cebu last Sunday. Monday evening ay nakiusap na kaming sumakay ng C-130 along with the other stranded passengers sa Tacloban at pasado alas-8 ng gabi ay lumapag kami sa Villamor Airbase.

Show comments