Aktres nai-stress, Ina Raymundo at asawang foreigner nagkokontrahan sa pagpapalaki ng mga anak

Aktibo na muli ngayon si Ina Raymundo sa show business. Bukod sa teleseryeng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita ay kasama rin ang aktres sa pelikulang Halik Sa Hangin na ipalalabas na sa mga sinehan sa January 28.

Ayon kay Ina ay matagal na niyang hinahanap-hanap ang pag-arte sa harap ng kamera. “Timing na timing nga eh. Hindi naman sa nabagot pero medyo nagiging impatient ako na I have to be doing something else. Like ‘yung mga anak ko ‘pag nag-aaway at nagsusumbong, parang I have to leave them para mami-miss nila ako at mami-miss ko rin sila,” pagbabahagi ni Ina.

Pansamantalang iniwan ng aktres ang pag-aartista nang magpakasal kay Brian Poturnak at nagkaroon sila ng limang anak. Katulad ng ibang mag-asawa ay nagkakaroon din daw ng hindi pagkakaintindihan sina Ina at Brian. “About our kids, like do’n sa panganay namin. Halimbawa, na-stress ako sa panganay namin kasi 13 (years old) na. Nasa rebellious stage na. about doon lang, about our kids, it’s not about us, kung paano palakihin sila. Minsan kasi hindi kami nagtutugma, pero minsan lang naman ‘yon. Ngayon lang nagsi-sink-in na kapag pala foreigner ‘yung asawa mo, talagang mahirap maging mahigpit. Kasi iba tayo eh, medyo hirap ako sa gano’n. So I’m sure eventually I have to accept the fact na hindi ko sila mare-raise na pure Filipino ‘yung culture nila,” kuwento ni Ina.

Wala raw nakikita ang aktres sa mga anak kung sino ang susunod sa kanyang mga yapak bilang isang artista. “As of now, wala talaga. ‘Yung panganay ko siguro, pero parang hindi rin eh. Mahiyain kasi ang mga anak ko. Hindi yata nagmana sa akin,” natatawang pagtatapos ng aktres.

Yeng ayaw ng mga kasama sa ASAP sa wedding entourage

Sa February 14 ay magpapakasal na sina Yeng Constantino at Victor Asuncion. Hindi raw showbiz personalities ang kasama sa wedding entourage ng magkasintahan. “Kasi mas nagse-spend kami ng time with them. Kasi sa ASAP hindi naman talaga kami nagkikita-kita, every Sunday lang. Tapos mas naka-build talaga ako ng relationship kasi. And I think sobrang special talaga ng friends ko na non-showbiz na gustung-gusto ko talaga sila nando’n and ma-enjoy nila ‘yung moment na nakita nila ako mag-grow as a person,” paliwanag ni Yeng.

Mas kilala sa palayaw na Yan ang kasintahan ng singer at nasaksihan daw ng kanilang mga non-showbiz friends kung paano nagsimula at umusbong ang kanilang pagmamahalan.

“Nakita nila ‘yung pinagdaaan ko. Nakita nila ‘yung iiyak-iyak ako, nakita nila ‘yung masaya ako, nakita nila ‘yung changes sa life ko no’ng dumating si Yan. ‘Yun ‘yung purpose, kasi kung mag-i-invite ka lang, magpaparampa ka lang just to show off, look at my entourage, punung-puno ng celebrity, ang pangit naman no’n. Hindi gano’n eh, it has to be sincere. These are the people who watched me grow. I love my ASAP family. Ang gusto mo lang talaga na level ng relationship dapat ‘yung inner circle muna. It’s not to show off. It’s not who I am, I don’t want to do that,” giit ng dalaga.

Reports from JAMES C. CANTOS

Show comments