Julia Barretto nagsalita na sa pag-snub kay Dennis Padilla

MANILA, Philippines – Pinasalamatan ni Julia Barretto ang kanyang mga fans na patuloy na umiintindi sa kanya sa kabila ng pinagdadaanang kontrobersya.

Usap-usapan ngayon ang umano'y hindi pagpansin ni Julia sa kanyang ama na si Dennis Padilla sa isang Christmas Party nitong nakaraang buwan.

Lumutang sa isang panayam sa telebisyon si Dennis at ikinuwento ang insidente.

Ikinuwento ni Dennis na Christmas party noon ng Dreamscape na parehong may hawak sa kanilang show na “Ikaw Lamang” at Mira Bela” nang magkasama sila ng anak ngunit hindi siya pinansin.

Naglabas ng pahayag si Julia sa kanyang Twitter account na nagpapasalamat sa mga sumusuporta at naniniwala sa kanya.

“Thank you for defending and protecting me. Times like this I draw so much strength from you all and I don't know how else to show you guys how thankful I am.”

Show comments