^

PSN Showbiz

Barbie ayaw mag-gown at heels sa debut

Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pagkatapos ng premiere night ng #Ewankosau Saranghaeyo sa Cine­ma 2 ng SM City The Block noong Linggo, nagyaya ang producer na si Mrs. Frances Magundayao na mag-late dinner sa may Shakey’s.

Um-attend doon si Barbie na ka-table ng leading man niyang si Francis Magundayao.

Kasama rin namin sa table ang parents ni Barbie, sina Mommy Amy at Daddy Tony.

Kinongratulate ko sina Barbie at Francis dahil may chemistry talaga sila at may kilig factor ang mga eksena nila sa #Ewankosau Saranghaeyo na showing na bukas sa mga sinehan.

Sabi ni Barbie, friends talaga silang dalawa ni Francis noon pa man kahit na 17 years old na siya at 15 years old lang ang #Ewankosau Saranghaeyo leading man niya.

Sa July 31 nga pala ay debut na ni Barbie, pero ayaw daw niyang magkaroon ng malaking party.

“Ayoko po kasing nagga-gown at mag-heels,” sey ni Barbie at sabat naman ni Francis, “Mag-gown ka, pero naka-rubber shoes ka!”

Tawanan lang sila.

Sabi ni Barbie, kahit magde-debut na siya, hindi pa rin daw siya nagkakaroon ng boyfriend.

“Ano ‘yung tsismis na naging kayo ni Miguel Tanfelix?” pang-uusisa ko naman sa dalaga.

“Hindi po,” sey ni Barbie.

Nagkaroon kasi ng issue na nagalit pa nga si Mommy Amy kay Miguel nang maghiwalay ang dalawa.

“Hindi po ganoon ‘yon. Na-disappoint lang po ako. Kasi noong una, lumapit sa akin si Miguel. Napakabait po niya, nagpaalam sa akin kung puwede raw na ligawan niya si Barbie.

“Ako naman po, hindi ko pinipigilan ang mga gustong manligaw sa anak ko. Maluwag nga ako. Natuwa pa ako kay Miguel dahil nagpaalam pa po sa akin.

“Ang hindi ko lang nagustuhan, nang may magtanong sa kanya ng tungkol sa panliligaw niya sa anak ko, ang dialogue niya, parang hindi yata niya kilala ang anak ko. Na hindi niya nakikita. Parang ganoon.

“Doon pa ako nagulat. May denial na,” sabi ng mommy ni Barbie.

Si Barbie naman, ngingiti-ngiti lang habang nagkukuwento ang mommy niya tungkol sa disappointment nito kay Miguel.

Todo lamon kasi noong Kapaskuhan

Sam lumobo ng 15 lbs.

Nakita ko sa reception ng binyag ng anak ni Say Alonzo ang former Pinoy Big Brother housemate nito na si Sam Milby.

Sobrang naging close sina Sam at Say at kahit nga akala ng iba na naging silang, talagang super BFF (best friends forever) lang ang dalawa.

Malapit nga rin si Sam sa mister ni Say na si Ryan Tordesillas.

Nang binyagan nga si Baby Asher, isa sa mga ninong si Sam, pero hindi na ito nakasipot sa simbahan dahil nahirapan daw mag-park.

Nang makatsikahan namin ni Pinky Fernando ng Fernando’s Bakery si Sam, ikinuwento niyang overweight siya ngayon. Noong Kapaskuhan daw, panay ang kain niya, kaya nag-gain siya ng timbang.

“I’m 15lbs overweight. Need to exercise,” sey ni Sam na hindi naman mukhang tuma­ba.

BABY ASHER

BARBIE

CITY THE BLOCK

DADDY TONY

EWANKOSAU SARANGHAEYO

MIGUEL

MOMMY AMY

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with