Muling ihaharap ng Cosmo Skin si Ruffa Gutierrez this week dahil ang actress-TV host ang endorser nito. Tiyak na matatanong siya sa relasyon nila ni Jordan Mouyal lalo’t kasi-celebrate lang nila ng first anniversary.
Sa post ng dalawa sa Instagram (IG), mas ma-emosyon ang post ni Jourdan na “One year already! It’s crazy how time flies so fast when I’m with you.” Samantalang ang post ni Ruffa ay “The best kind of people are the ones that come into your life, and make you see the sun where you once saw clouds. The people that love you, simply for being you. The once in a lifetime kind of people. #Happy365Days @jourdanmouyal.”
Masaya ang followers ni Ruffa sa kanyang love life at wish nilang marami pa silang anniversary together. Compatible raw sila at may nagwi-wish na sa altar magtapos ang kanilang relasyon.
Vina dedma sa mga nagpaparamdam na aktor
Remake ng pelikula with the same title ang Nasaan Ka Nang Kailangan Kita at ang role na ginagampanan ni Vina Morales ay unang ginampanan ni Ms. Susan Roces noong 1986. Aminado si Vina na pressure ito sa kanya at may kasamang big challenge, kaya doble ang effort niyang magampanan ng mahusay ang karakter ni Cecilia Natividad.
Hindi nagdalawang-isip si Vina na tanggapin ang teleserye at maging ina nina Jane Oineza at Loisa Andalio at sa husay nito, makakaasa ang viewers na hindi si Vina, kundi si Cecilia ang kanilang mapapanood.
Sabi pala ni Vina na sabay niyang pini-pray na muling magka-acting award at magka-love life at natatawa nitong nabanggit na parang mauunang dumating sa kanya ang love life. May mga nanliligaw sa kanya, non-showbiz guys, kaya mas maganda ang takbo, mas tahimik.
‘Yung mga nagpaparamdam at nagti-text sa kanyang taga-showbis, deadma siya, hindi niya sineseryoso dahil sa text lang nagpaparamdam. Hindi na binanggit ni Vina kung sino ang mga ito at kung siya ang masusunod, ayaw niya ng taga-showbiz.
Matagal nang walang karelasyon si Vina dahil sa anak na si Ceana ang focus, hirap na siyang magtiwala dahil nasaktan na. Five years old na ang anak, ready na uling magmahal si Vina kailangan lang niyang pumili ng mabuti para hindi magkamali.
Alwyn hinahanda na ang sarili sa paglaki ng pamilya
Dalawang beses mababasa ang pangalan ni Alwyn Uytingco sa poster at credits ng #ewankosau Sarangheyo dahil hindi lang siya artista, siya rin ang AD o Assistant Director ng movie. Mas nauna pa siyang nakuhang AD bago na-cast sa movie na showing na bukas, January 21.
Kuwento ni Alwyn, nag-message siya sa Facebook kung sino ang kukuha at magbibigay sa kanya ng chance na maging AD trainee dahil gusto niyang magtrabaho behind the camera. Plano niyang maging director in the future at paghahanda na rin sa paglaki ng pamilya nila ng asawang si Jennica Garcia-Uytingco na buntis sa first child nila.
Three kids ang gusto nilang mag-asawa at kahit nakabili ng condo, mas gusto pa rin nila ng sariling bahay. Also, kailangan niyang mag-double time sa trabaho dahil hindi muna makakapagtrabaho si Jennica dahil buntis nga.
Habang naka-rest si Jennica, tigil muna ito sa business niyang pet bakery for cats and dogs at ang ginagawa nito ngayon ay maggantsilyo ng teddy bear na ibinebenta nila online. Magaganda ang gawa ni Jennica sa halagang P650 (Medium bear) at P550 (Small bear).
Ayaw matanong sa pang-iiwan ni Bayani?!
Robin, Rommel, at BB umiwas sa interview
Si Dennis Padilla ang pumalit kay Bayani Agbayani sa 2 1/2 Daddies ng TV5, hindi lang alam kung the same role ang ginagampanan ni Dennis sa role na dapat kay Bayani. At least, Padilla pa rin si Dennis kahit hindi niya tunay na apelyido.
Hindi na natanong sina Robin at Rommel Padilla at BB Gandanghari ng reaction sa pagba-backout ni Bayani dahil after sila i-present sa press, bigla silang nawala. Hindi naman siguro sila umiwas sa press.
Yasmien walang nagawa sa kulay ng mga sinusuot na damit
Sinagot ni Yasmien Kurdi kung bakit laging yellow ang suot niyang damit sa Yagit. Ideya raw ng assigned sa wardrobe nila na magkaroon ng color coding ang isusuot ng female characters ng GMA-7 Afternoon Prime para ma-distinguish sila sa isa’t isa.
Ang karakter ni Yasmien na si Dolores ay laging naka-yellow, ang karakter ni Bettina Carlos na si Izel ay always in blue. Ang karakter ni Raquel Villavicencio na si Doña Claudia ay laging kulay violet ang suot at ang karakter ni LJ Reyes na si Flora ay laging kulay red ang suot.
Successful ang idea ng wardrobe dahil napansin ito ng viewers at tinatanong ang cast pati si director Gina Alajar.