Heart naiiyak ‘pag naiisip na hindi dadalo ang mga magulang sa kanyang kasal

PIK: Suportado ng mga bagets na fans ang nakaraang premiere night ng pelikulang #ewankosau Sarangheyo na pinagbidahan nina Barbie Forteza at Francis Magundayao.

Sa January 21 na ang showing nito sa mga sinehan, at kung mapu-promote lang ito nang husto, puwedeng ma­ging hit ito kagaya ng Diary ng Panget nina James Reid at Nadine Lustre.

Nakuha ni Direk Roman Perez Jr. ang timpla ng mga bagets na puwedeng mataypan nila. Kaya hoping sina Barbie at Francis na tatangkilikin ito sa magandang feedback na natanggap nila pagkatapos nilang magpa-premiere night sa SM The Block nung kamakalawa ng gabi.

PAK: Tawa nang tawa si Regine Velasquez na ikinuwento sa amin kung gaano ka-close ang baby niyang si Nate sa mga ate nitong sina Leila at Sarah.

Napakasaya raw ng nakaraang Christmas vacation nila sa Australia kasama sina Michelle Van Eimeren, ang asawang si Mark Murrow at mga anak kay Ogie Alcasid na sina Leila at Sarah.

Iba raw ngayon ang bonding ng magkakapatid dahil four years old na si Nate at marunong  na raw makipagtsikahan sa mga ate niya.

“Kasi he (Nate) can converse now, although his nose is bleeding…’yung English niya, he’s so funny,” natatawang pahayag ni Regine nang nakatsikahan namin sa presscon ng Ultimate concert nila nina Martin Nievera, Gary Valenciano, at Lani Misalucha sa February 13 at 14 sa SM MOA Arena.

Kuwento pa ni Regine: “Nakakatawa siya kasi, when he’s ate came here, kasi pumunta sina Michelle dito last year.

“Tinatanong niya si…’Ate Sarah, Ate Sarah, you…gusto mo ‘to.” Hindi niya kinaya talaga. Alam mo naloka talaga ako sa katatawa. Pero he’s so adorable.

“Really the two girls, they’re just so crazy about him. Now, they can converse na, ang cute nila. And of course Michelle wala na, nasira na ulo ni Michelle. Hindi na niya kinaya ang ka-cutean ni Nate.”

Kaya parang nabitin daw sila sa bakasyong iyon dahil iba na raw talaga ang bonding ng magkakapatid.

BOOM: Hanggang nung huling nakausap namin si Heart Evangelista sa Startalk, umaasa pa rin siyang darating ang mga magulang niya sa kanyang kasal sa Balesin Island, sa February 15.

May inihanda pala siyang music video para sa kanyang daddy na siya mismo ang nag-edit. Ipalalabas daw niya iyon sa reception kung sakaling darating ang mga magulang niya, lalo na ang kanyang Daddy.

Nag-effort daw siyang maghanap ng mga lumang pictures nila para mabuo niya ang music video na ihahandog niya para sa kanyang ama.

Medyo emotional na si Heart tuwing napapag-usapan ang tungkol sa kanyang mga magulang na hindi nga raw dadalo sa kasal nila ni Sen. Chiz Escudero.

Show comments