Julia lalong napahamak sa pagtatanggol ni Marjorie

Sa halip na matulungan ang anak niyang si Julia Barretto sa mga negatibong press releases nito, mas lalo pang pinalalala ito ng ina ng bagets na si Marjorie Barretto sa pagkukunsinti sa kanyang anak sa masama nitong asal sa kanyang ama. Dapat daw ay si Dennis na ang lumapit sa anak nang magkita sila sa isang okasyon. Sinasabi kasi ni Julia na hindi niya nakita ang ama.

“Dapat siya ang unang nag-reach out dahil siya naman ‘yung nakipag-away?” paliwanag ni Marjorie na siguradong lalo pang ikakagalit ng mga sumusubaybay sa sigalot nila kay Dennis Padilla.

Masasamang loob nagpaka-banal din sa pagdating ni Pope Francis

Babalik na muli sa normal na takbo ang ating mga buhay ngayong natapos na ang pagdalaw dito ng maka-masang Ama ng Simbahang Katoliko na wala yatang Pinoy ang  hindi naapektuhan ng kanyang pagbisita. Dahil kay Pope Francis, ang dami talagang bumait at sana magpatuloy ito kahit wala na ang Papa. Maging ang traffic ay nabalewala, salamat  din sa pagdating niya dahil ang lahat yata ng tao ay narun at matatagpuan sa kung nasaan siya. Sigurado ako na bumaba nang husto ang crime rate dahil maging ‘yung masasamang loob ay mukhang nagpaka-banal.

Ako, lungkot na lungkot sa pag-alis niya. Sa kauna-unahang pagkakataon, hindi ako personal na nakadalo sa kanyang mga Misa. In the past, natutulog ako sa kalsada kasama ang aking ina at mga anak para mauna sa lugar na pinagmimisahan nina Pope Paul VI at  Pope John Paul II. Ang Misa ni Pope Francis, sa TV ko lamang nasundan. Inggit na inggit ako sa mga tao na nakita siya ng personal at personal ding naka-engkwentro siya. Pero sa lahat ng ito, happy ako na dinalaw niya ang bansang Pilipinas at malaki at maganda ang epekto nito sa atin at ating bansa.

Vina ayaw nang ma-in love sa artista

Hindi lamang sa kanyang karera ngayon aktibo ang singer/ actress na si Vina Morales. Handa na rin siyang ma-in love na muli at tapusin ang maraming taon ng pag-iisa at solong pag-aalaga sa kanyang anak. Pero kung papipiliin siya, ang gusto sana niyang pagbigyan ng kanyang puso ay hindi taga-showbiz, hindi isang artista.

“Alam kong mahirap mangyari ito dahil  showbiz ang mundong ginagalawan ko. Masyadong nakatuon ang pansin sa amin ng tao at maging ng media. Anumang relasyon na simulan ko ay agad nang nagiging isang mahirap na gawain na imposibleng magkaroon ng normal na kaganapan. Pero kung sa isa ring artista ako nakatakda, bakit hindi? Aaminin ko na mahihirapan kaming mapagtagumpayan ang anumang relasyon na sisimulan namin dahilan sa aming trabaho,” pagtatapat ng aktres na dahil sa pag-aaktibong muli ng kanyang karera sa pag-aartista ay muling inili-link kay Robin Padilla na makasama niya sa pelikulang Bonifacio : Ang Unang Pangulo.

“Kahit allowed silang mag-asawa ng higit pa sa isa, ako naman ay isang Katoliko na lumaki sa paniniwala na sa iisa lamang ko pwedeng isanla ang akin puso,” dagdag pa ng aktres na nagsimula nang maghanap ng isang lalaki na hindi lamang mag-aaruga sa kanya kundi maging sa limang taon gulang niyang anak na babae.

“Ipaiintindi ko sa lalaking mahahanap ko na mayroon siyang makakahati sa pagmamahal ko. At kung ito ay matatanggap  niya, baka siya na nga ang tamang  lalaki para sa akin. At siguro, makapagsisimula na ako sa aking bagong journey tungkol sa isang masayang lovelife,” dagdag pa ng babaeng gaganap ng malaking role sa isang TV adaptation ng isang matagumpay na pelikula na napanood nung 80’s. Ito ang nobela ni Ricky Lee na Nasaan Ka Nang Kailangan Kita at nagtampok kay Susan Roces sa role ngayon ni Vina.

Show comments