^

PSN Showbiz

Magkaklase pa: Ryan nag-aaral na rin ng culinary, naimpluwensiyahan ni Juday?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - The Philippine Star

Nakakatuwa ang mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos dahil pareho silang naka-enroll sa Center for Asian Culinary Studies at magkaklase pa yata. May post kasi si Judy Ann sa Instagram (IG) na picture nilang dalawa at ang caption ay “pa-selfie naman classmate.”

May nagtanong kung magbubukas ba ng restaurant sina Ryan at Judy Ann kaya pati si Ryan ay nag-aaral na ring magluto. Wala pang sagot ang mag-asawa, pero parang nabasa namin kay Noel Ferrer, manager ni Ryan na habang naghihintay ng another big project ang TV host-actor, nag-enroll muna ito ng culinary arts.

May nag-comment na dahil nasa cooking school na rin si Ryan, siya na ang magpe-prepare ng tinatawag nilang “dirty breakfast” na laging inihahanda ni Judy Ann. Actually, iba’t ibang klase ng sandwich ito na sa picture pa lang, masarap na.

Tanong lang, ano kaya ang update sa two shows na offer ng ABS-CBN kay Ryan? Wala siyang exclusive contract sa GMA-7 at program contract lang ang pinirmahan para sa Ismol Family, kaya puwede siyang tumanggap ng show sa ibang network.

Yummy pa raw

Raymart ikInumpara kay Mark Wahlberg

Matutuwa si Raymart Santiago sa comment ng isa niyang fan after mapanood ang eksena niyang topless sa Second Chances. Maganda raw pala ang katawan ng aktor at keri nito ang mga eksenang nakahubad siya at ikinumpara pa ang muscles niya sa Hollywood actor na si Mark Wahlberg.

Sa positive comment na ito, hindi na siguro magdadalawang-isip si Raymart na gawin ang mga ganung eksena. Nakuwento kasi nito sa presscon ng nabanggit na series ng GMA-7 na hindi siya makatanggi kay Direk Laurice Guillen, kaya ginawa ang eksena.

In fairness kay Raymart, magaling siyang mag-alaga ng katawan at wala sa hitsura niya na 41 years old na ito.

Sa action nagsimula si Raymart, pero ngayon, nagda-drama na siya at nagpapasalamat sa GMA-7 na lagi siyang binibigyan ng magagandang projects kung saan nati-test ang kanyang pagka-aktor.

Janella natakot sa Kathniel, pangalan ni Daniel hindi na mabanggit

Ayaw nang maintriga ni Janella Salvador at umiwas na ring awayin ng Kathniel fans kaya sa presscon ng Oh, My G!, hindi na binanggit ang pangalan ni Daniel Padilla na kanyang crush. Dati open ito sa pagsasabing crush ang aktor, pero inaway ng ilang Kathniel fans.

Walang masamang sinabi si Janella at nagpakatotoo lang nang amining crush si Daniel, pero dahil sa nangyari, ayaw nang sagutin ‘pag may nagtatanong kung sino ang kanyang crush.

Tama rin ang ginawang pag-iwas ni Janella na hindi sagutin ang tanong dahil sina Marlo Mortel at Manolo Pedrosa ang love interest niya sa Oh, My G!, ang launching series niya sa ABS-CBN, mahirap na at baka malito ang fans.

Very proud si Janella na sa kanya ibinigay ng ABS-CBN ang may kakaibang concept ng show. Dahil sa Oh, My G!, binigyan ng title si Janella, siya na raw ang Princess of ABS-CBN at sa labis na tuwa, wala itong nasabi.

Miguel nahiya kay Direk Joyce kaya nag-gym?!

Sabay nagdyi-gym ang magka-love team ng Once Upon A Kiss na sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali. Nag-usap kaya ang dalawa o nagkataon lang?

Si Bianca is into boxing at sa napanood naming video, malakas siyang sumuntok at mahusay ang mga galaw ng aktres.

Hindi sinabi ni Miguel kung ano’ng klaseng workout ang ginagawa niya, basta nagdyi-gym siya at kumuha pa ng personal coach.

Totoo kaya ang tsikang sinabihan siya ni Direk Joyce Bernal na mag-diet dahil medyo malusong siyang tingnan sa screen? Anuman ang rason ng young actor, maganda ang ginagawa niya, ‘wag lang sobrahan dahil bata pa siya at pangit kung sa edad niya, naglalakihan na ang muscles nito.

JANELLA

JUDY ANN

KATHNIEL

KAYA

MARK WAHLBERG

MY G

RAYMART

RYAN

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with