Dumating na ang break ni Janelle Salvador dahil inilunsad na ito sa pagiging ganap na bituin sa Oh My G! Tumatalakay ito sa buhay ng isang teenager, mga pagbabago na mararanasan tungkol sa eskwelahan, kaibigan, pag-ibig, at paniniwala sa buhay.
‘‘Ang Oh! My G! ay nabuo bunsod ng hiling ng Carmelita nuns sa mismong pangulo na si Charo Santos Concio ng ABS-CBN bilang selebrasyon sa ika-500 kaarawan ni St. Teresa ng Avila sa Marso. Hiniling nila na gumawa ng isang teleserye tungkol sa mga aral ni St. Teresa of Avila kaya tiyak maraming matututunan ang mga kabataan,’’ sey ni Janella.
Magsisimula ito ngayong Lunes Enero 19 bago mag-It’s Showtime sa Prime Tanghali ng ABS-CBN.
Janice napalaking masunurin ang mga anak
Ibinahagi ni Janice de Belen ang kanyang klase ng pagpapalaki sa mga anak dahil tinalakay sa Oh! My G! ang klase ng mga kabataan ngayon.
Ayon kay Janice, bukod sa pagiging ina at ama na rin sa mga anak ay itinuturing niya itong mga kaibigan.
‘‘May hanggahan ako sa pagiging mahigpit sa kanila. Kailangang huwag silang lalampas sa linya kung saan narun ang paggalang. Lagi kong sinasabi na huwag nilang isuko ang kanilang virginity dahil lisensya ito para sila’y saktan ng kanilang nobyo balang araw. Wala naman akong problema sa mga anak ko dahil masunurin naman sila,’’ ani Janice.
Vina ngayon lang uli makakaarte ng malalim
Natutuwa si Vina Morales dahil bida ito ng TV adaptation ng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita na isinulat ni Ricky Lee noong dekada ’80 kung saan gagampanan ang karakter ni Cecilia. Makakasama niya sina Denise Laurel, Jane Oineza, Loisa Andallo.
Maraming makaka-relate sa teleserye dahil sasalamin ito sa iba’t ibang mukha ng pag-ibig. Minsan pang patutunayan ni Vina ang galing sa pag-arte at paglalarawan ng iba’t ibang emosyon sa oras na maramdamang muli ang lahat ng sakit at hirap na naranasan sa nakaraan.
Magsisimula na ito sa Lunes (Enero 19) pagkatapos ng Flordeliza sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.