Kris si Dennis ang kinongratulate nang magalingan sa akting ni Jennylyn

Napanood na ni Kris Aquino ang English Only, Please na pinagbibidahan ng BFF niyang si Derek Ramsay at Jennylyn Mercado after panoorin ang Edsa Woolworth ni Pokwang. Tiba-tiba ang sinehan sa Greenhills kung saan nanood sina Kris dahil 25 silang lahat na nanood sa dalawang pelikula.

Nagustuhan ni Kris ang EOP at ang acting nina Derek at Jennylyn lalo na ang mga eksena ng aktres at ni Kean Cipriano. Nakakatuwa lang dahil kay Dennis Trillo nag-text si Kris para iparating kay Jennylyn na maga­ling ang performance niya sa movie.

Nilinaw din ni Kris ang isyung sinabi raw niyang hindi maganda ang EOP at hindi magaling sina Derek at Jennylyn. Paano raw niya sasabihin ‘yun, close friend niya ang aktor at hindi niya sisiraan ang trabaho nito.

Samantala, inimbita pala ni Kris si Derek sa Malacañang Palace nang mag-courtesy call si Pope Francis, nag-beg off ang aktor dahil kailangang nasa tabi siya ng amang na-mild stroke.

Isang common denominator nina Kris at Derek pareho ang pagiging relihiyo­so at laging may dalang rosary. Ipinakita ni Derek ang rosary na nasa bulsa niya nang tanungin namin kung sinadya niyang bigyan si Kris ng cross pendant na gawa ni Hanns Brumann dahil HB ang nitial na initial ni Quezon City Mayor Herbert Bautista na minsang na-link kay Kris.

Sabi ni Derek, hindi niya naisip ang HB initial ni Mayor Bistek nang bigyan niya ng cross pendant si Kris, ang alam lang niya, matagal na niya itong gustong bigyan ng cross pendant dahil gaya niya, lagi ring may dala-dalang rosary ang Presidential Sister.

Alden naglabas ng limang milyon nang walang kahirap-hirap

Kunwari nabingi si Alden Richards nang tanungin ng press kung cash niya binayaran ang nabiling five-bedroom house sa isang subdivision sa likod ng Nuvali sa Sta. Rosa, Laguna.

Pero sa reaction ni Alden, totoo ang tsikang cash niyang binili ang bahay na sabi nito, less than P5-M ang halaga. Nakabibilib na sa four years ng aktor sa showbiz, nakaipon siya at nabili ng cash ang bahay.

All-in na nabili ni Alden ang bahay na ang ibig sabihin, kasama na ang transfer tax, capital gain, at documentary stamp, kaya malaki ang pasasalamat niya sa may-ari ng bahay. Ipinare-renovate ni Alden ang nabiling bahay at sa June pa sila makakalipat.

Natutuwa si Alden na hindi na nila poproblemahin ang baha. Tig-iisa na rin sila ng kuwarto ng kanyang mga kapatid at malaki na ang space na iikutan ng grandparents niya.

Anyway, wala pang bagong soap sa GMA-7 si Alden, pahinga muna siya dahil last year, magkakasunod ang projects niya. Maggi-guest muna siya sa shows ng network at visible rin naman siya lalo ngayong isa siya sa new endorser ng Boardwalk. Siya ang endorser ng Artiste Collection ng Boardwalk.

Tintin Bersola out na sa bagong show ng TV5

Hindi lang ang isyu kay Bayani Agbayani ang interview namin kay Ms. Wilma Galvante, ang Chief  Entertainment Content Officer ng TV5. Natanong din namin siya sa ibang shows ng network na kasama sa mapapanood sa first quarter ng 2015.

Magkakaroon ng local hosts ang Hi-5 at may search para rito. Limang hosts ang hahanapin ng TV5 at kailangang mahusay kumanta at sumayaw.

Naniniwala siyang magki-klik ang Healing Ga­ling sa TV nina Dra. Edinel Calvario at Doc Hayden Kho. Sa January 19, 10:00 a.m. ang airing nito.

As for Tintin Bersola, wala na itong kontrata sa TV5 at hindi na isinama sa Solved na Solved. Three hosts lang ang kaila­ngan sa public affairs show nina Gelli de Belen, Arnell Ignacio, at Atty. Mel Sta. Maria.

Sabi pa ni Ms. Wilma, mas magagandang shows ang ilu-launch ng TV5 sa second quarter ng 2015.

Show comments