^

PSN Showbiz

Jamie kinabahan nang titigan ni Pope Francis habang kumakanta

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Sobrang kaligahayan daw ang naramdaman ni Jamie Rivera nang makaharap at makapagmano kay Pope Francis noong Biyernes. Kilala si Jamie bilang Inspirational Diva sa music industry at siya ring nagpasikat ng kantang We Are All God’s Children na official theme song para sa pagbisita ng Santo Papa sa bansa. “Finally, nakanta ko na sa harap ng Santo Papa. Masayang-masaya ako at the same time nagpapasalamat ako kasi nakaakyat ako (sa stage), nakapagmano ako sa kanya. At the same time nakapagmano ‘yung mga bata na kasama ko. Ang saya namin ng mga bata, enjoy lang kami. We’re grateful, we feel so blessed,” nakangiting pahayag ni Jamie.

Hinding-hindi raw makalilimutan ng singer ang panahon na nakatitig sa kanya si Pope Francis habang siya ay kumakanta. “Siyempre ninerbyos ako, nakikita ko kasi tina-translate ni Cardinal Tagle ‘yung sinasabi ko. So habang kumakanta ako, natutuwa ako dahil naiintindihan ni Pope Francis ‘yung kinakanta ko. Masayang-masaya ako,” kuwento pa niya.

Nakakuha rin daw ng souvenir si Jamie mula sa Santo Papa nang bumaba siya nang entablado. “Pagbaba namin, ‘yung mga aide niya at ‘yung mga ibang pari, inabutan kami ng stampita na galing sa Vatican, galing sa Santo Papa. I think blessed ng Santo Papa ‘yun. Pinamigay ko sa mga bata,” pagtatapos ni Jamie.

Nanay ni Gerald nahihirapang tanggapin si Maja?!

Kamakailan ay dinala at naipasyal na raw ni Ge­rald Anderson ang kasintahang si Maja Salvador sa Gene­ral Santos City kung saan lumaki ang aktor. Ito raw ang kauna-unahang pagkakataon na isinama ni Gerald ang dalaga sa kanilang lugar at naipakilala sa kanyang pamilyang naroon. “Ipinakita ko lang kung saan ako lumaki. Okay naman, it’s always good to go home. ‘Pag umuuwi tayo kung saan tayo lumaki at kapag nakikita natin ang mga dati nating kaibigan at pamilya. Nag-camping kami,” kuwento ni Gerald.

Napabalita noong isang taon na hindi raw boto kay Maja ang ina ng aktor para sa anak. Kamusta kaya ang pagtatagpo nina Maja at Mommy Vangie? “Okay naman. Day by day naman kumbaga it’s a process, relationships. Gano’n talaga eh,” makahulugang giit ni Gerald.

Hanggang maaari ay gusto raw ng magkasintahan na maging pribado ang kanilang relasyon kaya hindi nila ito masyadong ibinabahagi sa lahat. “Yeah! Alam n’yo naman siguro kung bakit kaya private na lang ang kung anong nasi-share ko sa public. Sana po nakakapag-inspire na ako,” paliwanag ng binata.

Samantala, sa January 28 ay palabas na sa mga sinehan ang pelikulang Halik sa Hangin na pinagbibidahan nina Gerald, JC De Vera, at Julia Montes.

Ayon kay Gerald ay sobrang kinabahan daw si Julia habang ginagawa ang kanilang love scenes sa nasabing proyekto. “As in sobrang nagsa-sign of the cross siya tapos hinahawakan niya ako nang mahigpit every scene. So talagang ginagawa ko ang lahat para mas maging komportable siya. She’s only 19 tapos ‘yung role na binibigay sa kanya talagang napaka-challenging, medyo mature,” pagbabahagi ng aktor.

Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

AKO

CARDINAL TAGLE

DE VERA

INSPIRATIONAL DIVA

JAMIE RIVERA

JULIA MONTES

MAJA

POPE FRANCIS

SANTO PAPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with