Wow. Nagta-Tagalog na si Pope Francis.
Una siyang nag-tweet ng Tagalog pagdating niya ng bansa last January 15. “Ang Pilipinas ay patunay ng kabataan at kasiglahan ng Simbahan,” tweet ng Mahal na Santo Papa na may 5.17 million followers.
I’m sure na-amaze si Pope Francis sa sea of people na nakita niya pagdating ng airport hanggang sa papunta siya sa Pope Nunciature.
Sumunod na post niya ng Tagalog ay the other day. “Ang pamilya ay ang pinakamahalagang kayamanan ng isang bansa. Naway pagsikapan nating ipagtanggol at patatagin itong pundasyon ng lipunan.” Ito naman ‘yung time na pagkatapos ng encounter with the families na ginanap sa MOA Arena noong Biyernes ng gabi.
Sobra-sobra naman kasi ang ibinibigay na inspiration ng Santo Papa sa mga Pinoy. Unlimited ang kaway at smile niya at sobra ang ipinakita niyang pagmamahal at pag-asa sa mga biktima ng bagyong Yolanda nang pumunta siya sa Tacloban kahit signal no. 2 ang bagyong Amang.
Kris nagpupuyos sa galit nang tawaging bayot si Bimby
Nagpupuyos sa galit si Kris Aquino nang may tumawag na bading sa anak niyang si Bimby.
Nag-umpisa ang lahat nang mag-post siya ng video (birthday) greetings kay Alex Gonzaga na gumanap na yaya ni Bimby sa pelikulang The Amazing Praybeyt Benjamin. Isang follower niya ang nag-comment na ‘toyab’ na kabaliktaran sa salitang bayot na ang ibig sabihin ay bading.
Talagang hindi pinalampas ni Kris ang basher.
“Alam niyo kung balak nyong bastusin ang anak ko, do it ng harap harapan. Kasi hindi ko kayo aatrasan. Super nag PRAY ako today, Pero kahit sinong nanay kung anak na 7 years old ang aapihin, papatol at handang RUMESBAK,” sabi ng TV host/actress.
Pero hindi naman nagtagal ang galit niya. Nang mahismasan yata ay nagpaliwanag na ginagawa lang naman niya ang trabaho bilang isang ina sa pitong taong anak.
“If I ignore, I’m not doing my job of protecting my son. Ang DUWAG eh.”
Sguro natakot din ang basher kaya nag-apologize ito na tinanggap naman ni Kris.
“Apology accepted. But please don’t bully a 7-year-old who was just greeting a person we’ve come to love happy birthday.”
Burado na ang nasabing ‘balitaktakan’ pero marami nang unang nakabasa at na-screen grab kaya pinag-uusapan pa rin.
Kung sabagay pag talagang active ka sa social media asahan mong maraming bashers kaya hindi na nakakatakang sabihan ng ganun ang bunsong anak ni Kris. Si James Yap kaya anong reaction pag nalamang tinawag na bakla ang anak niya?
Indie director nagmamaasim
Binura na ng indie director na hindi pa kilala ang post niya na bumabatikos sa pagbisita ni Pope Francis sa bansa. Kesyo raw maraming naabala dahil sa limang araw na holiday, saradong mga kalsada at malaki pa raw ang nagastos. Dapat daw sa Skype na lang nagmisa ang Santo Papa.
Wala rin sa wisyo ang indie director na ito na nagngangalang Ejay Yan (Ejay BigBear). Wala pa nga siyang nagagawang indie na pinag-usapan, nagmamaasim na.
Baka kasi hindi naniniwala sa Diyos ito si Mr. Ejay. Samantalang kahit nga Born Again ngayon bilib na bilib kay Pope Francis. Si Erik Santos nga na active sa grupo ng mga Christian na pinamumunuan ni Piolo Pascual, nagpapasalamat na makakasama siya sa misa ni Pope Francis ngayong hapon sa Quirino Grandstand.