Julia hindi pa naiisip na mabuntis
Kamakailan ay pumutok ang balitang pagbubuntis diumano ni Julia Montes. Hindi na kasi masyadong lumalabas sa telebisyon ang dalaga mula nang magtapos ang huli nitong teleserye na Ikaw Lamang ilang buwan na ang nakararaan.
“Kung ako, hindi ko na iniisip. Kasi kung meron man, lalaki na lang siguro ang tiyan ko. Lalabas at lalabas rin naman ‘yan kung totoo. Kung wala, wala naman talaga,” giit ni Julia. May mga nagsasabing umalis pa raw ang dalaga sa bansa upang ilihim ang pagdadalang tao nito.
“Sana nga po ay nakaalis ako ng bansa pero hindi nga ako nakaalis ng bansa. Of course lagi kaming nagsu-shooting almost every day in a week. Lagi kaming magkakasama,” paliwanag ni Julia. Walang kasintahan ngayon ang aktres kaya ang trabaho na lamang ang pinagtutuunan nito ng panahon.
“Work lang muna talaga. Kasi kilala ko ang sarili ko. Ako kasi kapag focused ako sa work, focus muna ako. Ayaw kong mag-focus sa love life kasi ang daming opportunities. Bihira naman mabigyan ng ganitong opportunities ang iba,” pagbabahabi ni Julia.
Samantala, sa January 28 ay mapapanood na sa mga sinehan ang pelikulang Halik sa Hangin na pinagbibidahan nina Julia, JC De Vera at Gerald Anderson.
Piolo bihira na namang makasama ang anak
Hindi na raw masyadong nakakasama ni Piolo Pascual ngayon ang anak na si Iñigo mula nang pasukin nito ang show business kamakailan. Maraming ginagawang trabaho ngayon si Iñigo at ganoon din naman si Piolo.
“Akala ko nga mas madali ngayon eh. But I just realized na mas busy pa siya sa akin. So parang nadagdagan pa ‘yung problema namin kasi we hardly have time for each other,” nakangiting pahayag ni Piolo. Kinakailangan pa raw ngayon ng aktor na makipag-ugnayan sa talent manager ng anak na si Erickson Raymundo upang alamin kung kailan walang trabaho si Iñigo.
“Good thing Eric is a good friend of mine. And siyempre malaki rin ang tiwala ko sa Star Magic kaya wala naman akong nakikitang problema,” giit ni Piolo. Hindi na talaga mapipigilan ng aktor ang pag-a-artista ng anak kaya naman patuloy na pinaninindigan ni Piolo ang naging kondisyon nila ni Iñigo bago nito pasukin ang industriya.
“Ang sabi ko talaga sa kanya, ‘pag bumagsak ka, wala tayong pag-uusapan. You have to go back to regular school. That’s my only deal. He’s third year, one more year and my compromise is grumadweyt siya sa regular school ng fourth year. He’s gonna be here for a year and second sem niya ng fourth year, regular school na siya. My condition still stands. Kailangan niyang pumapasa sa school dahil kung hindi I’ll kick him out of showbiz,” paliwanag ng aktor.
-Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest