^

PSN Showbiz

Denise mas pinalakpakan kesa kay Vina

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

At this point, kung kailan muling binabalikan ni Vina Morales ang panahon ng kanyang popularidad bilang artista at singer, hindi kakulangan sa kanya na sa unang pagsasama nila ni Denise Laurel na kumanta ng theme song ng kanilang teleserye na Nasaan Ka Nang Kailangan Kita ay mas pinalakpakan pa si Denise kaysa sa kanya. Hindi kasi ibig sabihin nito na mas magaling kumanta ang nakababatang aktres. First time na narinig ng media na kumanta si Denise at nagandahan sila’t nagulat na may ibubuga pala ito sa pagkanta.

Talaga namang magaling si Vina na isa pa rin sa hinahangaan ng marami at wini-welcome siya sa kanyang muling pagbabalik. May mga proyekto naman siya before, pero dahil sa pagganap na leading lady ni Robin Padilla sa Bonifacio, Ang Unang Pangulo na entry sa nagtapos na Metro Manila Film Festival (MMFF) 2014, na-realize ng mga tagahanga niya na unfair na limitahan siya sa pagganap sa mother roles. Hindi pa naman kasi kumukupas ang galing at ganda niya.

Bukod sa pagkanta ng theme song ng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita, gumaganap din ang dalawang aktres ng mahalagang roles sa teleserye na mapapanood sa Kapamilya Gold simula sa Enero 19. Si Vina bilang si Cecilia na gagawin ang lahat upang mabuong muli ang kanyang pamilya. Si Denise naman ay gaganap bilang si Toni, ang babaeng walang naging kasalanan kundi ang magmahal. Dalawa sila sa apat na babaeng tampok sa TV adaptation ng isang nobela ni Ricky Lee na naging matagumpay na pelikula nung 80s. Ang dalawa pa ay sina Eloisa Andalio at Jane Oineza, kapwa produkto ng Pinoy Big Brother (PBB).

Kapatid Network 10 agad ang mga bagong programa

Dala-dalawa namang kumpanya ang naglunsad ng kanilang mga bagong produkto at palabas nu’ng Martes. Una na ang Boardwalk na naglunsad hindi lamang ng kanilang mga bagong fashion collection kundi ng bagong celebrity models na binubuo nina Jeric Gonzales, Thea Tolentino, Juancho Trivinio, at Kim Rodriguez. Itatampok ng apat ang We Love It Collection  at sasamahan nila sina Alden Richards na napili para maging Face of the Artiste Collection at Mike Tan na bagong recruit ng Boardwalk para mag-endorse ng Men’s Basic Collection. Sina Rich Asuncion at Janine Gutierrez ang magsisilbing mukha ng Missy Collection at Cosmopolitan Collection.

Ang TV5 naman ang naglunsad ng mga bago nilang programa sa isang post New Year celebration na ginanap sa kabubukas pa lamang na events place na pag-aari ng pamilya Vera Perez, ang Sampaguita Gardens. Sinusundan ng masaya at makulay na launching ang matagumpay na New Year Countdown ng Kapatid Network sa Quezon City Memorial Circle.

Ang 10 programa na magsisimulang mapanood sa Enero 20 ay binubuo ng Hi-5, isang popular na panoorin para sa mga bata na mapapanood weekdays 8:30 p.m.

Ang Happy Wife, Happy Life na Lunes hanaggang Biyernes din mapapanood, 10:20 p.m., ay tungkol sa buhay ng apat na maybahay ng mga sikat na basketbolista na sina Danica Sotto-Pingris, LJ Moreno-Alapag, Jeck Maierhofer, at partner ni Rico Helterbrand na si RR Enriquez.

Alas-9 ng gabi naman ang airing ng Wattpad Presents, isang rom-com serye na ginawa para sa mga kabataan. Itatampok dito ang mga bagong loveteam nina Eula Caballero at Bret Jackson, Shaira Mae at Mark Neumann, Isabela de Leon at Carl Guevara at Jasmine Curtis-Smith at Vin Abrenica.

A show that will end all shows ang tawag naman ni Ms. Celia Rodriguez sa sitcom na magtatampok sa kanila ng magkakapatid na Padilla na sina Ro­bin, Romel, at BB Gandanghari, ang 2 1/2 Daddies. Palabas ito tuwing Sabado, 7 n.g.

May sarili na ring palabas sa TV ang sikat na DJ na si Papa Jack. Magbibigay ito ng love advice sa mga love struck at heartbroken tuwing Sabado, alas-10 n.g.

Ang iba pang bagong programa ng TV5 ay ang Move It: Clash of Street Dancers with hosts Jasmine Curtis-Smith at Tom Taus, every Sunday, 7 p.m.; Mac & Chiz with Derek Ramsay, and Empoy, tuwing Lingo, 8 n.g; Rising Stars, Ogie Alcasid, isang kakaibang singing contest tuwing Sat. & Sun., 9 n.g., Healing Galing, nina Dra. Edinell at Dr. Hayden Kho, na mapapanood weekdays, 10 n.u.; Solved na Solved nina Gelli de Belen, Arnell Ignacio, at Atty. Mel Sta. Maria na nagbibigay ng solusyon sa lahat ng problema, tuwing weekdays, 11:30 n.u.

ALDEN RICHARDS

ANG UNANG PANGULO

ARNELL IGNACIO

BAGONG

BASIC COLLECTION

JASMINE CURTIS-SMITH

KAPATID NETWORK

NASAAN KA NANG KAILANGAN KITA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with