Janet Napoles umepal sa pagdating ni Pope Francis

Biglang lumobo ang mga pisngi: Marian hiyang na hiyang sa honeymoon nila ni Dingdong; Alice Dixson nagmukhang bata sa maiksing buhok  

SEEN: Kasali ang businesswoman na si Janet Napoles sa mga nagpapakontrobersyal at umeepal sa pagdating ngayon ni Pope Francis sa Pilipinas. Yellow Pope Francis shirt ang suot ni Napoles sa hearing kahapon ng kanyang bail petition sa Sandiganbayan.

SCENE: Namroblema kahapon si Candy Pangilinan dahil hindi niya magawa na husgahan si Janet Napoles nang makita niya ang Pope Francis shirt na suot ng PDAF Scam Queen.

SEEN : Hindi nag-iisa si Janet Napoles dahil epal din sa Papal Visit ni Pope Francis ang mga small time politician na nagpagawa ng mga “Welcome Pope Francis” streamer na may mga litrato nila at makikita sa Metro Manila streets na daraanan ng Santo Papa. 

SCENE: Ang fashion designer na si Fredrick Peralta ang gumawa ng mga damit na gagamitin nina Korina Sanchez, Karen Davila, at Ces Oreña-Drilon sa Papal Visit coverage.

SEEN: Bumagay kay Alice Dixson ang  kanyang short hair dahil nagmukha siyang bata. Ipinakita ni Alice ang new look niya sa grand launch ng mga bagong show ng TV5.

SCENE: Hindi problema ang weight problem ni Francine Prieto dahil isang sitcom ang regular program niya sa TV5, ang 2 1/2 Daddies na sagot sa kanyang mga dasal na magkaroon siya ng acting assignment.

SEEN: Sinuportahan nina Dawn Zulueta, Vice Ganda, at Iza Calzado ang red carpet premiere ng solo starrer ni Pokwang, ang Edsa Woolworth sa SM Megamall Cinema noong Martes.

SCENE: Hiyang si Marian Rivera sa honeymoon nila ni Dingdong Dantes sa Europe dahil sa biglang pag-umbok ng kanyang mga pisngi.

Show comments