Silent millionaire talaga si Angel Locsin dahil hindi nito ipinangangalandakan ang lahat ng bunga ng kasipagan.
Ayon sa isang mapagkakatiwalaang source ay nagpapatayo naman ito ng condo na malapit lang sa tinitirhang executive subdivision. Ilang unit na lang ang hindi pa nakukuha at nagbiro pa nga ang source kung gusto kong kumuha ng isang unit.
Magandang halimbawa si Angel sa mga artista natin na lahat ng pinagpaguran sa buhay at kinitang mga pera ay diretso sa pagpupundar ng kabuhayan. Naniniwala kasi ang magandang aktres na hindi panghabambuhay ang pag-aartista. Anumang oras ay puwede na nga siyang mamahinga pero habang bata pa ay sisinupin pa nito ang kabuhayan. Magiging abala sa taong ito si Angel dahil dalawang proyekto na nakatakda niyang gawin sa Star Cinema. Ito ang Darna project at isang movie na pagsasamahan nila ni Gov. Vilma Santos.
Celebrity hour mas lalong pinabongga
Sinabi ng prodyuser na si Danny Atienza ng Celebrity Hour kasama ang FAMAS President na si Eloy Padua na layunin nilang mas pagandahin ang radio program na isang celebrity forum para sa mga artista at ibang mga guests mula sa iba’t ibang sector ng lipunan. Tinatalakay dito ang iba’t ibang paksa na mahalaga sa ating lipunan. Malapit na rin itong mapanood sa TV sa oras na makahanap na sila ng sponsor.
Noong Sabado ay puno ng guests ang programa kung saan panauhin si Dr. Robin Navarro na pamoso sa kanyang cellular at biochemical medicine. Naging guests din ang mga beauty queen na sina Catherine Marie Almirante ang kasalukuyang Miss Global Philippines at nanalong 2nd runner-up sa Miss Global International mula sa Cagayan de Oro. Kasama rin nito si Athena Catriz na kandidato sa Miss Summer International 2015.
Tinalakay naman ng magandang CEO ng Mega C ang pagkakaroon ng maganda at kung paano mapapanatili ang kabataan at kagandahan.
Magagaling din ang mga singers na produkto ng Channel 10 TSISMAX ni Eloy Padua na sina Kelly Young, Jimmy Ching, Mar Buenavente, at Gee Sharma.
Ang Celebrity Hour ay hosted ng inyong lingkod with Eloy na idinaraos sa Tiarra Hotel tuwing Sabado ng umaga 9 a.m.-12 noon sa direksyon ni Ed Montealegre.