Regine, Gary, at Lani nalamangan ni Martin sa billing

Ang Ultimate Valentine’s Day concert nina Martin Nievera, Regine Velasquez, Gary Valenciano, at Lani Misalucha ang pinag-iipunan ng fans ng apat. Minsan lang mang­yari ito, kaya malamang na hindi ito palalampasin ng fans ng apat.

Gagawin sa MOA Arena ang concert sa Feb­ruary 13 and 14, 8:30 p.m., with Ryan Cayabyab as its musical director and Rowell Santiago as the concert director. Walang nakalagay na guest sa concert at hindi na rin kailangan dahil kaya na ng apat na patakbuhin ang concert na produced ng Star Media.

Wala tayong naririnig na nagrereklamo sa kampo ng apat pagdating sa kanilang billing, ibig sabihin, okay kina Regine, Gary, at Lani na nauna ang pangalan ni Martin. Ang curious kami ay sa talent fee ng apat, pare-pareho kaya ang TF nila o may mas lumamang?

Dahil active sa Instagram (IG) sina Martin, Regine, at Gary, last year pa lang, na-promote na nila ang Ultimate.

Winwyn pasok sa Bb. Pilipinas 2015

Kabilang si Winwyn Marquez sa mga nag-audition para sa Bb. Pilipinas 2015 at candidate no. 47 siya. Teresita Seen Marquez ang real name ng dalaga na isa sa talent ng GMA Artist Center ng GMA-7. Anak siya nina Joey Marquez at Alma Moreno

Bata pa lang, pinangarap na ng dalaga na ma­ging beauty queen at gus­tong sundan ang yapak ng tita niyang si Melanie Marquez na naging Miss International 1979.

Talent din siya ni Jonas Gaffud ng Mercator at ang Aces and Queens nina Jonas ang nagti-train kay Winwyn. Positive ang nabasa naming reaction sa pag-o-audition ni Winwyn at ang tsika, nakapasok siya sa audition.

This early, marami ang may bet kay Winwyn na ma­nalong Bb. Pilipinas-Uni­verse at si­gu­radong pinaghan­daan ito ng dalaga.

Rafael in a relationship pa rin kahit ‘brokenhearted’ ang GF

“In a relationship” pa rin ang status ni Rafael Rosell dahil GF pa rin nito si Olivia Medina kahit may post ang dalaga sa Instagram (IG) na brokenhearted siya. Ito ang nilinaw ni Rafael sa presscon ng Second Chances sa mga reporter na nangumusta sa love life niya dahil nga sa post ng nobya.

In fact, kasama pa nila ng kanyang family ang GF sa Cebu kung saan sila nag-spend ng Christmas at New Year. Tanggap ng family niya si Olivia dahil nakikitang masaya siya sa piling nito.

Ang sweet nga ng dalawa dahil jar filled with letters na isinulat ni Rafael the whole month of December ang Christmas gift niya sa GF. Books at pillow case ang gift sa kanya ni Olivia.

Anyway, mapapanood uli si Rafael sa primetime slot via Second Chances and for his career, masaya siya sa time slot ng soap, pero if he’s after less stress, okay sa kanya ang afternoon time slot.

Alice nagpabago ng buhok para kay Robin

Nagpagupit si Alice Dixson para sa bagong show niya sa TV5 na Two and a Half Daddies, kung saan, love interest siya ni Robin Padilla. Nagpatulong ang aktres sa kanyang fans na mamili ng hair style at mukhang hair style ni Sandra Bullock ang sinunod niya, mas maiski lang.

Nag-taping na ang cast ng sitcom na kundi this January ay baka sa February ang airing. Last show ito ni Alice bago mag-expire sa February 15, 2015 ang kontrata niya sa TV5. Sabi nito, willing siyang mag-renew ng kontrata sa network kung ire-renew siya at priority niya ang TV5.

Nabanggit nitong may network na matagal na siyang kinukuha, pero nang tanungin namin, hindi binanggit. Kapag hindi siya ni-renew ng TV5, alam na kung saan siya pupunta.

 

Show comments