Pinahanga ni Sarah Geronimo ang buong bansa dahil sa pagkakaroon niya ng sariling bersyon ng Disney song na The Glow bago magtapos ang 2014.
Isa rin ang Popstar Princess sa napili upang mag-portray bilang Rapunzel mula sa pelikulang Tangled para sa 2015 calendar ng Disney na na-release sa buong Southeast Asia. “Siyempre when I was told na gagawa ako ng project with Disney, sabi ko ‘Wow! Totoo ba ito?’ Siyempre hindi ako makapaniwala at first, pero ‘yun, very, very happy and thankful sa Disney. Kasi kinonsider tayo sa kanilang campaign, ng project nila at not just one project kung hindi dalawa. So talagang nagpapasalamat ‘yung puso ko,” nakangiting pahayag ni Sarah.
“Siyempre naka-record ako ng song for Disney. Makita ko naman ‘yung sarili ko as a Disney Princess ay sobra-sobra na, sobra-sobrang blessing na sa akin. So I’m very, very happy,” dagdag ng dalaga, Nagpapasalamat din si Sarah sa lahat ng magagandang feedback na kanyang naririnig tungkol sa kanyang nagawa para sa Disney. “Thank you siyempre , may kanya-kanya silang take sa mga bagay-bagay pero ipagpapasalamat ko po ‘yung positibong kinokomento nila,” giit ng singer-actress.
Kasama rin sa nasabing kalendaryo si Kim Chiu na nag-portray naman bilang si Mulan. “Maraming salamat po na na-appreciate nila na ako ang nag-represent ng character ni Rapunzel dito sa Pilipinas at of course ang ating fellow Kapamilya, si Kim. She portrayed Mulan, very, very proud kami, proud tayo sa bansa natin,” pagtatapos ni Sarah.
Xian ‘binawi’ kay Maja, ibabalik kay Kim!
Tiyak na matutuwa ang lahat ng tagahanga nina Kim Chiu at Xian Lim dahil isang bagong teleserye ang pagtatambalan ng dalawa ngayong taon. Hindi na raw magtutuloy si Xian sa proyektong dapat ay pagsasamahan nila nina Maja Salvador at Jericho Rosales, ang Bridges of Love.
Una nang napabalita noong isang taon na si Xian ang pumalit sa karakter na dapat ay gagampanan ni John Lloyd Cruz para sa nasabing serye. Nagbigay ng official statement ang pamunuan ng ABS-CBN tungkol sa mga pagbabagong ito.
“Due to clamor, ABS-CBN, through the Star Creatives business unit, is bringing back the love team of Kim Chiu and Xian Lim in a primetime teleserye to be launched this year. Because of this development, Xian will not pursue the teleserye ‘Bridges of Love’ with Maja Salvador and Jericho Rosales. The role of Carlos Antonio in the said series will now be played by Paulo Avelino.”
Kamakailan ay nabanggit ni Kim sa kanyang guesting sa KrisTV na ibabase ang kanilang bagong gagawin ni Xian sa isang istorya na hango sa Wattpad at magsisimula na raw ang kanilang taping ngayong buwan.
Reports from JAMES C. CANTOS