Ricky magpapa-‘under’ muna kay Direk Laurice

Pahinga muna ang actor-director na si Ricky Da­vao sa kanyang pagiging director at binigyan-daan niya muna ang kanyang pagiging aktor na matagal-tagal din niyang hindi nagagawa dahil sa sunud-sunod na directorial projects na kanyang pinamamahalaan sa GMA. Ang pinakahuli nga rito ay ang nagtapos na Hiram na Alaala.

Si Ricky ay isa sa bumubuo ng cast ng pinakabagong serye ng Kapuso Network, ang Second Chances na tinatampukan nina Jennylyn Mercado, Raymart Santiago, at Camille Prats na mula sa direksyon ni Laurice Guillen.

Marami ang hindi nakaaalam na si Kuya Germs ang naging dahilan ng pag-aartista ni Ricky noon dahil nakita niya itong kasa-kasama ng kanyang yumaong amang aktor na si Charlie Davao.

Although nakapagtapos si Ricky ng engineering sa Mapua, hindi niya ito nagamit dahil ang kanyang showbiz career ang kanyang pinagtuunan ng pansin.

Cristine nangunguna sa mga artistang manganganak ngayong taon

Ang 25-year-old na si Cristine Reyes ang first female celebrity na nakatakdang magsilang sa taong ito courtesy ng kanyang MMA (Mixed Martial Arts) fighter-boyfriend na si Ali Khatibi.

Ang nakatatanda niyang kapatid na si Ara Mina naman ang huling female celebrity na nagsilang ng first baby nila ni Bulacan, Bulacan mayor Patrick Meneses last December.

Parehong hindi pa kasal sina Ara at Cristine sa kanilang respective partners.

Dating Viva artist na si Cheska Iñigo gusto uling magka-career

Kung hindi pa kami tinawagan recently ng dating Viva contract star na si Cheska Iñigo ay hindi namin malalaman na mag-i-eight years na pala itong hiwalay sa kanyang husband kung saan siya may tatlong grown up children na sina Kaye (26), Bea (20), at Nico (18).

Sinabi sa amin ni Cheska na gusto niyang ma­ging aktibong muli sa kanyang showbiz career although paminsan-min­san ay meron siyang natatanggap na offers.“I need to work,” aniya.

Show comments