Xian nakaka-acting lang ‘pag si Kim ang kaeksena?!

Official na ang pagka-tsugi ni Xian Lim sa eereng serye ng ABS-CBN na Bridges.

Nagpadala ng statement ang ABS-CBN at sinabi nilang hindi na nga kasama si Xian sa programa dahil balik-tambalan na sila ni Kim Chiu.

Heto ang statement ng ABS-CBN :

Dahil sa hiling ng kanilang napakaraming tagahanga, muling itatampok ng ABS-CBN at Star  Creatives ang tambalan nina Kim Chiu at Xian Lim sa isang primetime teleserye na mapapanood ngayong taon. Dahil dito, hindi na magiging bahagi si Xian ng seryeng Bridges of Love kasama sina Jericho Rosales at Maja Salvador. Ang papel na Carlos Antonio ay gagampanan na ni Paulo Avelino.

Sa PSN unang lumabas last week na pinalitan na siya sa Bridges ni Paulo Avelino. Ang rason umano nang pagkakatanggal niya sa programa, hindi makaarte at nakakailang take na ang aktor sa isang eksena pero hindi raw talaga maka-perfect.

Oh baka naman pag si Kim ang kaeksena ni Xian saka lang siya nakaka-acting kaya pinagtambal na lang uli sila? Hihihi.

Anyway, si Xian ang isa sa celebrities na favorite ang word na ‘trending’ as in bukambibig niya ang trending (sa Twitter). Hihihi. Parang lahat yata nang ginagawa niya ay lagi niyang ini-emphasize na ‘trending na ho tayo.’

Juday naiyak nang masungkit ng baby ang house and lot

Suwerte naman ng isang pamilya na taga-Navotas City na nagwagi ng house and lot sa game show na  Bet On Your Baby last Friday (Enero 9).

Siyempre, tuwang-tuwa ang pamilya Ilacad sa napanalunang bahay at lupa na sagot sa kanilang problema at dalangin dahil tinuturing nilang tahanan ang ilalim ng tulay sa Navotas City. Ang anak ng mag-asawang sina Rolando at Badet na si baby Andot ang naging baby contestant sa programa ng award-winning host na si Judy Ann Santos-Agoncillo.

Samantala, mangiyak-ngiyak naman si Juday sa pagkapanalo ng pamilya. Aniya, niloob ng Diyos na makuha ang house and lot na premyo sa kanyang programa dahil noong nakaraang linggo, ibinida ang mga pamilyang kung ituring ay illegal settlers dahil sa kawalan ng tirahan.

“Ang sarap ng feeling na naging susi ka para makabigay ng walang kapantay na kaligayahan sa pamilyang iyon,” sabi ni Juday.

In fairness, sa kasalukuyan, nakapagtala na ang programa ng 10 nagwagi ng P1 milyon at dalawang nabiyayaan ng bahay at lupa.

Napapanood ang Bet On Your Baby tuwing Lunes hanggang Biyernes alas-5 ng hapon sa ABS-CBN.

Show comments