Erwin Tulfo hindi pumalya sa Traslacion, Winnie Cordero kinairitahan sa maingay at madramang report

SEEN: Kasali kahapon sa prusisyon ng Poong Nazareno ang broadcast journalist na si Erwin Tulfo. Sampung taon nang deboto ng Poong Nazareno si Erwin.

SCENE: Ang coverage kahapon ng lahat ng mga television network at AM radio programs sa Traslacion, ang Spanish word sa movement o prusisyon sa imahe ng Poong Nazareno mula sa Quirino Grandstand hanggang sa simbahan ng Quiapo. Umabot sa EDSA at ibang mga kalsada sa Metro Manila ang trapik na epekto ng Traslacion. 

SEEN: Nabuwisit ang televiewers sa nakakairita na boses at report ni Winnie Cordero sa Traslacion dahil pabida at pabibo ang kanyang projection sa harap ng TV camera. 

SCENE: Hindi naging mahinahon sa pagsasalita si Winnie Cordero dahil ginawa nito na maingay at madrama ang report niya. Siya ang bida at hindi ang Poong Nazareno sa kanyang coverage. 

SEEN: Tinulungan ni Paolo Bediones at ng mga kasamahan niya sa Rescue5 ang mga tao na nahimatay at nasaktan sa prusisyon ng Poong Nazareno. 

SCENE: Dalawang klase na ng kasalan ang dinaluhan ni Pauleen Luna at ng kanyang boyfriend na si Vic Sotto, ang church wedding nina Dingdong Dantes at Marian Rivera noong December 30 at ang same-sex beach wedding nina Aiza Seguerra at Liza Diño sa San Juan, Batangas noong January 8. Ang sariling kasal nina Pauleen at Vic ang hinihintay ng kanilang mga taga-hanga. 

SEEN: Bahagyang napaisip si Danica Sotto-Pingris sa suggestion ng isang entertainment writer na imbitahan niya na mag-guest sa Happy Wife, Happy Life ang kanyang stepmother.

Napa-ahh si Danica nang may magbanggit sa pangalan ni Coney Reyes, ang ex-girlfriend ng kanyang ama na si Vic Sotto at ina ng half-brother niya na si Vico.

SCENE: Mga contestant ngayong gabi sa Celebrity Bluff ng GMA-7 sina Paolo Contis, Solenn Heussaff, at Tim Yap. Makakasama ng tatlo sa paglalaro sa Celebrity Bluff ang kanilang mga trusted driver at makeup artist.

Show comments