As of this writing ay hindi pa rin nagpapalabas ng official figures and Metro Manila Film Festival Committee na pinamumunuan ng over-all chairman na si Atty. Francis Tolentino sa kinalabasan ng total gross ng ika-40th Metro Manila Film Festival na nagtapos kahapon, Martes.
Based on the earlier figures, hindi umabot ng isang bilyong piso ang kinita ng festival na ang target ay P1.5B kaya hindi nito naabot at nalagpasan ang kinita ng 2013 MMFF gross na umabot ng mahigit isang bilyon kung saan ang respective movies nina Vic Sotto (My Little Bossings) at Vice Ganda (Girl, Boy, Bakla, Tomboy) ay parehong nakapag-contribute ng mahigit P400-M each plus.
Wala naman gaanong expectation si Jennylyn Mercado sa kalalabasan ng kanyang MMFF movie with Derek Ramsay, ang English Only, Please na dinirek ni Dan Villegas for Quantum Films. Alam ng singer-actress na mabibigat ang kanilang mga kalaban at wala ring gaanong promo ang kanilang pelikula.
Neither inasahan niyang siya ang mananalong Best Actress at Best Actor naman ang kapareha niyang si Derek Ramsay.
Dahil sa kontrobersiyang dulot ng kanilang pagkakapanalo sa nakaraang Gabi ng Parangal, naging maganda ang epekto nito sa box office ng pelikula dahil marami ang naging curious at umabot sa P100-M ang kinita ng pelikula.
Carry over naman sa taong 2015 ang high spirits ni Jennylyn na magsisimulang mapanood sa isang bagong serye ng GMA, ang Second Chances kung saan niya kasama sina Raymart Santiago, Rafael Rosell, at iba pa.
Erich and Kaye madalas nadala sa mga awayan
Ang Two Wives na tinatampukan nina Erich Gonzales, Jason Abalos, at Kaye Abad ang isa sa mga 2014 TV series ng ABS-CBN na patuloy na sinusubaybayan hanggang ngayong pagpasok ng 2015.
Habang tumatagal ang serye ay lalong nagiging intense ang mga kaganapan kaya tutok na tutok sa programa ang mga manonood sa local remake ng hit Koreanovela of same title.
Aminado ang tatlong lead stars ng Two Wives na ito na ang pinakamatinding roles na kanilang ginampanan at dito talaga na-challenge ang kanilang acting abilities.
Hindi rin ikinakaila nina Erich at Kaye na minsan ay nadadala sila sa kanilang mga papel na ginagampanan laluna sa mabibigat na eksena.
Dating aktres na si Janna Victoria umaasang magkaka-career pa
Nasa Shang-ri la Plaza kami last January 5 ng hapon when we bumped into actress Janna Victoria na nasa pangangalaga pala ngayon ng Viva Talent Management.
Si Janna ay unang nakilala sa pelikulang Lagarista in 2006 na sinundan ng Blue Moon in 2006. Huli siyang napanood sa hit movie nina James Ried at Nadine Iluste, ang Talk Back and You’re Dead na produced ng Viva Films.
Although naging sila ng aktor na si Dominic Ochoa hindi sila ang nagkatuluyan sa tunay na buhay. Si Dominic ay may asawang iba at si Janna naman ay napangasawa ang young businessman na si Joseph Flores, first cousin ng actor-politician na si Robert Ortega. May 7-year old sina Janna at Joseph, si Jordana Brielle Valentin Flores.
Tulad ng ibang wish ng mga artista, umaasa si Janna na mas magiging aktibo ang kanyang acting career this year.