MMFF 2014 tumabo ng P854M
MANILA, Philippines – Umabot na sa P854 milyon ang kinita ng 40th Metro Manila Film Festival, ayon kay Metropolitan Manila Development Authority chairman Francis Tolentino.
Sinabi ni Tolentino na nasa top three ang “The Amazing Praybeyt Benjamin,” “Feng Shui 2“ at “My Big Bossing.”
Nasa pang-apat naman ang “English Only, Please” na pinagbibidahan nina Derek Ramsey at Jennelyn Mercado na kinilala rin bilang best actor at actress.
Wala pang eksaktong halaga kung magkano ang kinita ng bawat pelikula, ngunit naglabas ang iba't ibang film companies ng kanilang bilang.
Ayon sa official Facebook page ng “English Only, Please” ay umabot na sa P100 milyon ang kanilang kinita, habang sa Instagram account naman ni Feng Shui star Kris Aquino sinabi niyang nasa P200.8 milyon na ang kanilang horror film ni Coco Martin.
- Latest