Kris pinangatawanan ang pagnininang!
Tinapos ni Kris Aquino ang 2014 sa pagnininang sa kasal nina Dingdong Dantes at Marian Rivera at sisimulan niya ang 2015 sa pagnininang uli sa kasal ng isang non-showbiz couple this Tuesday. Pinangangatawanan nito ang pagiging Ninang of All Media.
Masayang nagbabalik-trabaho si Kris pagkatapos ng bakasyon nila ng kanyang mga anak sa Hokkaido, Japan dahil granted ang prayers niya na umabot sa P200-M ang box-office gross ng Feng Shui 2. As of January 4, kumita na ang movie nila ni Coco Martin ng P200.8-M.
Hindi lang para sa kanya at sa kanyang film company kung bakit gustong kumita ni Kris ang movie, para na rin kina Coco at direk Chito Roño na sumosyo sa 30 percent investment niya sa Star Cinema, ayaw niyang mapahiya sa dalawa.
Gusto rin ni Kris na ang Feng Shui ang first P200-M movie ni Coco dahil naniniwala siyang being ABS-CBN Primetime King dapat certified movie royalty din ang aktor at natupad ito.
Rafael nagtatanim ng puno kapag walang trabaho kasama ang fans
Sa presscon mamaya ng Second Chances, matatanong natin si Rafael Rosell sa reading advocacy niya. Gaya ng kung kailan ito nagsimula, saang lugar na siya nakarating, at bakit ito ang napili niyang suportahan.
Nalaman pa namin na bukod sa reading advocacy, ‘pag wala siyang trabaho, nagti-tree planting si Rafael kasama ang ilan sa kanyang fans. Ilang lugar na rin ang pinuntahan ng grupo ng aktor at ang wish nito, makapag-tree planting pa sila sa mga lugar na kinakalbo ang mga puno.
Sa January 12, ang start ng airing ng Second Chances.
Bagong dyowa ni Beauty may unang asawa at ama rin ng anak ni Maxine Eigenmann
Kilala sa showbiz ang boyfriend ni Beauty Gonzales na si Norman Crisologo dahil ex siya ni Maxine Eigenmann na kapatid ni Sid Lucero. Ang sabi pa, si Mr. Crisologo ang ama ng second son ni Maxine.
Alam naman siguro ni Beauty ang tungkol sa BF at kay Maxine at sa first wife nito pati na rin sa maayos na pakikipaghiwalay ni Mr. Crisologo sa dalawang babae bago naging sila ni Beauty. Kung may problema, hindi magpo-post ng pictures nila si Beauty sa kanyang Instagram (IG) account.
Iba’t ibang reaction ang nababasa namin sa bagong relasyon ni Beauty, pero kung sa aktres hindi isyu ang age gap nila, bakit ang followers ng aktres ang namumurublema?
What’s the Problem nina Gelli at Atty. Mel, tinagalog ang title
As of today, hindi na What’s The Problem ang title ng morning show ng TV5 hosted by Gelli de Belen and Atty. Mel Sta. Maria. Solved Na Solved na ang title nito, Tagalog para mas okay sa viewers at sa January 12 na ang pilot.
Hindi masagot ng aming kausap kung kasama pa rin si Tintin Bersola sa Solved Na Solved. Kung hindi man isama, baka may ibang show ang TV5 na ibibigay kay Tintin.
Ogie dedma sa pasaring ni Regine
Naalala namin ang sagot ni Ogie Alcasid sa isyung ipinupukol kina Dingdong Dantes at Marian Rivera na masyadong magarbo ang kanilang kasal noong December 30, 2014. Isa si Ogie sa mga ninong sa nasabing kasal.
“Prerogative ni Dingdong na bigyan ng ganu’n kalaking kasal si Marian. Kasal nila ‘yun. Mayaman siya (si Dingdong), wala tayong magagawa. Pinaghandaan at pinag-ipunan niya ‘yun, ke simple o lavish is a wonderful thing at binabasbasan ‘yun ng pari. Hindi rin naman nagkukulang sina Dingdong at Marian sa pagbibigay ng tulong sa nangangailangan,” sagot ni Ogie.
Samantala, wala pang reaction si Ogie sa post ni Regine Velasquez sa IG na gusto niya ng another baby. Nag-post si Regine ng picture ng family na may one kid, pero buntis ang babae at hinahalikan ang tummy nito ng husband.
- Latest