^

PSN Showbiz

Idinetalye ni Michael Cinco, handcrafted sa Italy and Lebanon tiara na ginamit ni Marian gawa pa sa mother of pearls at Swarovski crystals

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Isang linggo na ngayon mula nang ikasal sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa Immaculate Conception Cathedral pero pinag-uusapan pa rin ang kanilang pag-iisang dibdib.

Lumabas na ang karamihan sa mga detalye tungkol sa kasal nina Marian at Dingdong pero tinatanong pa rin ako ng kanilang avid fans and supporters.

Mabuti na lang, masipag sa pagbibigay ng mga impormasyon si Michael Cinco, ang designer ng wedding gown ni Marian.

Si Michael na hindi napigilan ang mapaluha nang makita niya na suot na ni Marian ang wedding gown.

Kinabahan pala si Michael dahil hindi nagkaroon si Marian ng final fitting. May pamahiin kasi ang mga Pinoy na hindi puwedeng isukat ng bride ang wedding gown habang hindi nagaganap ang kasal or else…

Ang sey ni Michael, maraming gabi na hindi siya nakatulog.

“I had sleepless nights and so stressed as I’m not used having brides without final fittings before her wedding...Thank God..it’s perfect...” ang emote ng sikat na Dubai-based Filipino designer.

Si Michael din ang pumili ng tiara na ginamit ni Marian sa araw ng kasal nito kay Dingdong. May duda ako na very expensive ang tiara kaya umabot sa P2 million ang wedding outfit ni Marian.

“The crown is made of real mother of pearls encrusted with rare gemstones and Swarovski crystals inspired by European royalties...especially designed and handcrafted in Italy and Lebanon for Marian’s wedding,” ang description ni Michael sa mala-Princess Diana tiara ni Marian.

Dalawang magkasunod na linggo mapapanood sa GMA 7 ang wedding special nina Dingdong at Marian.

Sa January 17 ang airing ng Part 1, ang The Ceremony at January 24 naman ang telecast ng Part 2, ang The Celebration.

Mula 8:15 p.m. hanggang 9:45 p.m. ang airing ng wedding specials at para ito sa kapakanan ng fans na hindi nasaksihan nang personal ang pag-iisang dibdib nina Marian at Dingdong.

Mga pasaway na nagpaputok ng baril noong Bagong Taon sinampahan na ng kaso

Nakilala na ng Philippine National Police ang mga kalalakihan na nagpaputok ng mga baril noong New Year’s Eve.

Sasampahan ng mga kaso ng illegal possession at illegal discharge of firearms ang mga pasaway na ipinagmalaki pa ang kanilang ginawa dahil naka-post sa social media ang mga video at litrato ng mga kayabangan nila.

May mga pangalan na ang mga suspect na walang lusot dahil ipinakita na sa mga news program ang kanilang mga hitsura at pangalan.

Paulit-ulit ang paalaala ng PNP at ng Department of Health na bawal ang magpaputok ng baril pero hindi nakinig ang mga akusado.

Iniimbestigahan pa ng PNP kung may mga biktima ng mga ligaw na bala mula sa mga baril na pinaputok ng mga pasaway na suspect.

Mark malapit nang umuwi ng ‘Pinas

Tinupad ni Christian Bautista ang promise niya na susuportahan ang mga project ng kanyang friends na sina Mark Bautista at Rachelle Ann Go.

Tulad ng sinabi niya sa press launch noon ng kanyang album na Soundtrack, lumipad si Christian sa London para panoorin ang Miss Saigon na tinatampukan ng kanyang ex-dyowa at ang Here Lies Love na starring si Mark Bautista.

Hindi na puwedeng ipagpaliban ni Christian ang kanyang London trip dahil malapit nang matapos ang Here Lies Love at babalik na ng Pilipinas si Mark.

Panonoorin ni Christian ang mga nasabing musical play bilang suporta kina Rachelle at Mark.

BAGONG TAON

CHRISTIAN BAUTISTA

HERE LIES LOVE

MARIAN

MARK BAUTISTA

SI MICHAEL

WEDDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with