^

PSN Showbiz

Vic mabubuntis daw si Pauleen nang hindi pinakakasalan?!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Kung pagbabasehan ang maraming hula sa kanila ni Vic Sotto, mukhang walang kasalan na magaganap sa 2015 sa pagitan nila ni Pauleen Luna. Pero sina­sabi ng ilang bumabasa ng mga pangyayaring darating na mabibigyan niya ng anak ang komedyante outside of marriage. Tsk. Tsk. Tsk.

Patutunayan ba ng TV host/comedian at movie producer na mali ang hula at pakasalan ang pinakahuling babae na karelasypn niya?

Xian hindi kinaya ang acting ni John Lloyd

Sayang dahil napalitan na naman si Xian Lim para sa seryeng Bridges, na mula nang tanggihan ni John Lloyd Cruz ay mukhang nahihirapang makakuha ng makakapalit niya. Hindi raw yata naibigay ng ka-loveteam ni Kim Chiu ang hinihiling ng direktor na akting kaya tinanggal siya sa serye at pinalitan ni Paulo Avelino sa bagong serye ng ABS-CBN na mapapanood sa taong ito.

Hindi naman sa hindi magaling si Xian, baka na-intimidate lamang ang aktor dahil ang role na gagampanan niya ay ang role na inayawan ni Lloydie.

Mga indie movie mamamayagpag na sa susunod na MMFF?!

Sa ipinamamalas na sigla ng ilang indie movie na sumabak sa ika-40 taon ng pagdaraos ng Metro Manila Film Festival (MMFF), hindi lamang nagbigyan ng malaking pag-asa ang mga gumagawa ng pelikula sa mainstream na muling bumangon ang industriya dahil naging malakas din ang hatak ng indie movies.

Hindi nagpahuli ang mga producer ng indie sa kanilang mga entry na Bonifacio, Ang Unang Pa­ngulo, English Only, Please, at Kubot: The Aswang Chronicles 2 sa punto ng box-office at ma­ging sa kuwento dahil bukas-kamay ang mga itong ti­­nangkilik ng mga manonood. Pinakamalaking ha­­­­lim­­ba­wa ang English Only, Please na hanggang sa puntong ito ay humahakot pa rin ng manonood sa mga sinehan. Ang Bonifacio at Kubot naman ay ma­galing ang aspetong teknikal. Ang Kubot na hin­di isang horror kundi adventure movie na mula sa ma­likhaing pag-iisip ni Erik Matti ay nagpakita ng ka­kaibang tanawin na lubos na tinangkilik ng mga manonood.

Kung magpapatuloy ang ganito kagandang tak­bo ng mga indie films na pumasa-mainstream, hindi malayong sa mga susunod na Pista ng Pelikulang Pilipino ay mga indie muli ang umarangkada at ma­mayani sa takilya.

Barbie at Andre matatag pa rin ang ‘relasyon’

Wagi naman ang tambalan nina Barbie Forteza at Andre Pares dahil matatag pa rin at sinusubaybayan ang kanikang The Half Sisters. Kung meron mang naapektuhan ng hindi maganda sa serye, ito’y sina Ryan Eigenmann at Thea Tolentino dahil sa sama ng roles ay talagang kinainisan ng televiewers. Pero sina Mel Martinez, Jomari Yllana, at maging ang gumanap ng role ng lola na si Carmen Soriano ay kinagiliwan ng mga manonood.

Ngayong nagkabati na ang magkapatid na Diana at Ashley, ibig sabihin kaya ay nalalapit na ang pagwawakas ng serye at ang problemang ibinigay nila sa kanilang inang si Rina (Jean Garcia)? Totohanan na kaya ang pagiging mabait ni Ashley kay Diana?

ANDRE PARES

ANG BONIFACIO

ANG KUBOT

ANG UNANG PA

ASHLEY

ENGLISH ONLY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with