Pati bulaklak na gagamitin sa kasal sa Balesin, ipapa-freeze para magamit uli, Heart naloka sa sobrang pagtitipid ni Sen. Chiz sa kanilang kasal

PIK: Isi-celebrate ni Alden Richards ang kanyang kaarawan sa Sunday All Stars mamayang hapon.

Sasagutin na kaya ni Alden ang tungkol sa isang kilalang celebrity na type na type siya?

Sa SAS na rin ilu-launch ang bagong boy band ng GMA 7 na 3logy na kinabibilangan nina Jeric Gonzales, Abel Estanislao, at Jak Roberto.

PAK: Naloka si Heart Evangelista na ikinuwento sa amin ang tungkol sa paghahanda sa wedding nila ni Sen. Chiz Escudero.           

Sobra raw ang pagtitipid ni Sen. Chiz sa mga gagastusin nila sa kasal.

Ang isa raw sa ikinaloka niya ay sobrang natagalan daw napapayag si Sen. Chiz na kunin ‘yung mga bulaklak na ganun kamahal.

Sabi pa raw sa kanila ni Sen. Chiz, “Makakatulog ba kayo na ganyan kamahal ang mga bulaklak na kunin natin?” Kaya tinawad-tawaran daw nang husto hanggang sa napapayag daw si Sen. Chiz na i-freeze ‘yung mga bulaklak para ‘yun din daw ang gagamitin sa reception nila sa Maynila.

“He’s very on top of everything, Sobrang ang dami kong natutunan sa kanya. Nakakatawa siya, para siyang babae, sobrang matipid siya sa pera, nakakatawa siya,” bulalas ni Heart na sobrang nai-excite na raw siya sa nalalapit niyang kasal.

BOOM: Medyo okay na raw ngayon ang kalagayan ni Kuya Germs pagkatapos niyang magka-mild stroke kamakalawa ng u­maga.

Ayon sa ilang staff ng Walang Tulugan with the Master Showman, baka bukas daw ay ilalabas na ng Acute Stroke Unit o ASU ng St. Luke’s Hospital si Kuya Germs dahil nakakakain na raw ito.

Nu’ng huling update ng anak niyang si Federico Moreno ay 50 percent daw ang mobility sa kanang paa, pero hindi raw makagalaw ang kanang kamay. Medyo slur pa raw magsalita kaya kailangan pa ring tutukan nang husto sa hospital.

Hindi pa raw puwedeng tumanggap ng dalaw si Kuya Germs, kaya humihingi pa sila ng dasal na malagpasan ito ng Master Showman.

Show comments