Kaya kuryente tiyak na malaki ang bayarin Coco mala-resort ang ambiance ng bahay sa Fairview
Ang ganda-ganda ng mala-resort na mansion ni Coco Martin sa Fairview, Quezon City na hindi kalayuan mula sa subdivision na tinitirhan ko.
Good karma si Coco dahil hindi lamang ang sarili ang ipinagpatayo niya ng bahay. Pati ang kanyang lola, magkahiwalay na magulang, at mga kapatid, may mga sariling unit sa malawak na ari-arian niya.
Parang resort ang ambience ng tahanan ni Coco. Hindi nagkakalayo ang ambience ng bahay nila ni Willie Revillame sa Ayala Heights dahil iisang tao lamang ang kanilang landscape artist.
Pero ako ang namroblema sa size ng bahay ni Coco dahil tiyak na malaki ang babayaran niya sa kuryente.
Tamang-tama naman na nabasa ko sa YES! Magazine, ang article tungkol kay Richard Gomez na nagpalagay ng solar power system sa bahay nila ni Lucy Torres sa Forbes Park.
Malaki ang natipid nina Richard at Lucy sa kanilang electric bills dahil sa tulong ng solar power system. Ang sey ni Richard, kung P60,000 ang dating binabayaran nila sa kuryente, naging kalahati na lang dahil sa solar power system.
Baka naman, may solar power system din sa bahay ni Coco, hindi lang niya nabanggit sa intrebyu sa kanya ng YES! pero dahil sa kuwento ni Richard, type ko na rin na magpalagay ng solar power system sa bahay ko para mabawasan ang binabayaran ko sa Meralco.
Kris ibinukong hindi nagandahan si Anthony Taberna sa pelikula nina Jennylyn at Derek
Speechless at napanganga lang si Jennylyn Mercado nang ikuwento ko kahapon sa Startalk ang dialogue ni Kris Aquino tungkol sa English Only, Please.
Kaharap ako nang sabihin ni Kris na “Sabi ni Tunying (Anthony Taberna), hindi naman maganda ‘yung movie (English Only, Please)” at nangyari ito sa Immaculate Conception Cathedral, sa kasal nina Dingdong Dantes at Marian Rivera noong December 30.
Knowing Kris, hindi niya ide-deny ang mga sinabi ko dahil alam niya na totoo ang mga kuwento ko.
Kahit ano ang sabihin ng ibang mga tao tungkol sa pelikula nila ni Derek Ramsay, hindi naman affected si Jennylyn dahil maligayang-maligaya siya sa kanyang best actress trophy at sa 2nd best picture award na natanggap ng kanilang movie.
Jennylyn natawa lang nang malamang natipuhan siya ni Mayor Erap
Tawa lang nang tawa si Jennylyn nang sabihin ko na type siya ni Manila City Mayor Joseph Estrada.
Hindi naman kataka-taka na mabighani si Papa Erap kay Jennylyn dahil magandang-maganda ito nang magkita sila sa gabi ng parangal ng Metro Manila Film Festival (MMFF) sa PICC Plenary Hall noong December 27.
Hindi dapat bigyan ng malisya ang reaksyon ni Papa Erap nang ibigay niya kay Jennylyn ang best actress trophy dahil lover of beautiful women siya. Natuwa lang siguro siya kay Jennylyn nang magkrus ang kanilang mga landas.
Heart gusto nang magkaanak kay Chiz!
Balik-Pilipinas na si Heart Evangelista matapos ang Christmas vacation nila ni Senator Chiz Escudero sa California.
Nag-report na kahapon sa Startalk si Heart at nag-dialogue ito na ready nang magkaanak dahil marunong na siya na mag-braid ng buhok.
Pinag-praktisan yata ni Heart ang buhok ng anak na babae ni Papa Chiz na kasama nila sa kanilang US trip.
- Latest