MANILA, Philippines - Ewan kung kailan ia-announce ng ABS-CBN, pero si Paulo Avelino na pala ang pumalit kay Xian Lim sa teleseryeng Bridges.
Kung matatandaan, dapat ay kay John Lloyd Cruz ang role ng pinakabidang lalaki sa Bridges, pero that time, ang tsika, hindi pa nagkakaayos ang aktor at ang Kapamilya network tungkol sa renewal ng kontrata niya, kaya napunta ang role na ‘yon kay Xian.
Ang next tsika naman, more than 20 takes na raw si Xian sa isang importanteng eksena sa Bridges, pero hindi raw mabigyan ng justice ng rumored-boyfriend ni Kim Chiu ang character niya sa nasabing teleserye, kaya tsinugi na lang si Xian.
Ang sumunod na “eksena” ay ipinatawag daw si Paulo ng big bosses ng Dos bago pa man nag-Christmas at sa kanya na ibinigay ang role ng pinakabidang lalaki sa Bridges.
Sa pagkakapunta ng role na ‘yon kay Paulo ay tiyak na marami na namang mang-iintriga sa aktor, pero kahit anong gawing intriga ng iba, hindi naman talaga matatawaran ang husay sa pag-arte ng aktor at maraming mag-a-agree sa bagay na ‘yan including KC Concepcion na rumored girlfriend ng aktor.
Halik nina Gerald at Julia sa Baguio na rin magso-shooting
Mukhang dahil sa success ng Forevermore ay nagiging paboritong shooting at taping location ang Baguio City.
Sa Baguio City daw ang location ngayong araw na ito ng pelikulang Halik sa Hangin ng Star Cinema na pinagbibidahan nina Gerald Anderson at Julia Montes.
Ang success ng teleseryeng Forevermore ang sobrang ipinagpapasalamat ni Enrique Gil sa nagdaang 2014.
Martin kakaiba ang staying power
Nagkaroon ng New Year’s countdown show sina Martin Nievera at Lani Misalucha sa Solaire Resort & Casino.
Sunud-sunod ang trabaho ngayong 2015 ng original concert king dahil mamayang gabi naman, may concert uli siya sa Samsung Hall ng SM Aura sa The Fort, Taguig City, ang Martin Nievera: The Big Mouth Rocks a New Year.
Matindi ang staying power ni Martin, kaya naman kahit na more than 30 years na siya sa showbiz ay in-demand pa rin siya.
Isa rin si Martin sa well-loved ng entertainment press dahil bukod sa ma-PR, very sincere rin siya sa pagsagot ng mga tanong sa kanya kesehodang intriga ang mga ‘yon.