Ryzza Mae kitang-kita ang kabagalan sa paglaki; Charice totoy na totoy ang hitsura, GF mas lalong nagiging kamukha ng kanyang nanay
SEEN: Puwede nang maging active si Heart Evangelista sa posting sa social media ng mga picture ng mga paghahanda niya para sa kasal nila ni Senator Chiz Escudero dahil tapos na ang Marian Rivera-Dingdong Dantes wedding. Hindi na ikukumpara si Heart kay Marian, hopefully.
SCENE: Hindi dapat na kinukuha na abay sa kasal ang mga bata na below 4-years old dahil hindi sila naglalakad kapag sinumpong tulad ng 2-year-old daughter ni Katrina Halili na kinarga nito sa wedding march nina Marian at Dingdong.
SEEN: Mas mataas pa kay Ryzza Mae Dizon ang mga flower girl na mas bata sa kanya kaya lalong napansin ang kanyang mabagal na paglaki.
SCENE: Hindi na nagpalit ng ibang damit si Marian Rivera sa wedding reception kaya nasulit ang paggamit niya sa wedding gown na gawa ni Michael Cinco at sinasabi na nagkakahalaga ng P2 million.
SEEN: Totoy na totoy si Charice Pempengco sa wedding reception nina Marian Rivera at Dingdong Dantes. Kasama ni Charice ang girlfriend na si Alyssa Quijano na lalong nagiging kamukha ng kanyang nanay na si Raquel.
SCENE: Ang Goldilocks na ini-endorso ni Dingdong Dantes ang creator ng 12-foot 3D mapped wedding cake.
SEEN: Bukas ang huling gabi ng Strawberry Lane, ang youth-oriented primetime drama series ng GMA 7.
SCENE: Nagpatalbugan ang TV5, GMA 7, at ABS CBN sa kanilang New Year Countdown noong December 31. Katulad ng fireworks display sa New Year countdown sa New York ang parehong press release ng TV5 at ABS CBN.
- Latest