Patuloy na namamayagpag sa ratings ang teleseryeng Forevermore na pinagbibidahan nina Enrique Gil at Liza Soberano. Masayang-masaya raw si Enrique dahil patuloy silang sinusuportahan ng mga manonood. “No’ng malaman naming pumalo ng 30% (ratings) ang Forevermore, I was like ‘Oh! My God! Thank you so much!’ Parang ito lang talaga ang hinihingi namin at nabigay naman sa amin,” pahayag ni Enrique. Ngayon ay lalo raw pinagbubutihan ng aktor ang trabaho para masuklian ang suportang ibinibigay ng kanilang mga tagahanga. “Feeling ko nabuhayan ulit ako. I feel like I want to work more. Feeling ko na I have more drive compared to before. There is a reason that I want to work more now dahil sa success ng Forevermore,” pagbabahagi ni Enrique.
Hindi raw dapat palampasin ng mga manonood ang bawat eksena sa kanilang palabas dahil talagang kaabang-abang ang mga ito. “More kiligan, more heartaches, more sad moments and more funny moments. Siyempre kasama ‘yan sa isang show, ‘yung details siyempre hindi pa namin masasabi so abangan n’yo na lang,” pagtatapos ng binata.
Katrina ni-remind ang sarili na alagaan ang kalusugan
Nag-pose si Katrina Halili para sa men’s magazine na FHM Philippines. Tampok ang aktres para sa January issue nito. Matatandaang nagpaseksi na rin si Katrina sa nasabing babasahin isang dekada na ang nakalilipas. “This cover is more of a reminder, hindi lang para ipakita sa iba, pero para sa sarili ko na rin. It’s a reminder to take care of myself more,” makahulugang pahayag ni Katrina.
Marami nang napagdaanan si Katrina mula noon at ngayon nga ay muling nagiging aktibo sa kanyang trabaho. Naging kontrobersyal ang aktres nang masangkot sa isang video scandal na may kaugnayan kay Hayden Kho. Makalipas ang ilang taon ay naging kasintahan naman ni Katrina ang singer na si Kris Lawrence. Nagkaroon ng isang anak ang aktres kay Kris at kahit nagkahiwalay na ay nananatiling magkaibigan daw ang dalawa. Nagbibigay din ng tulong pinansyal si Kris para sa pag-aaral ng kanilang anak ni Katrina na si Katrence. “All the things I went through made me feel na parang ang dami kong ayaw gawin. Dahil sa mga pinagdaanan ko. Dumating ako sa point na feeling ko wala akong halaga. Nawala ‘yung self confidence ko. But I realized that I need to work and I want to work,” pagtatapat ni Katrina. Reports from JAMES C. CANTOS