Aktres na kasali sa horror movie hindi na makilala dahil sa retoke

Bothered na bothered ang mga nanood ng isang horror movie dahil sa mala­king ipinagbago ng mukha ng aktres na starring sa pelikula.

Simple lang ang sagot, nag-iba ang face value ng aktres dahil naging hobby nito ang magparetoke.

Imbes na gumanda, lumawlaw ang mukha ng aktres at di-hamak na mas maayos ang itsura niya noong hindi pa siya biktima ng siyensya.

Mahusay ang aktres sa pelikula pero mas nagmarka sa utak ng mga tao ang kanyang mukha na hindi na kaaya-aya na pagmasdan dahil sa daming beses ng pagpaparetoke niya.

Wedding of the year ini-edit muna bago iere

May mga nagtatanong sa akin tungkol sa airing ng wedding special nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa GMA 7.

Basta ang alam ko, Sunday night ang airing ng pinakahihintay na wedding special pero hindi ko alam ang exact date.

Puwedeng sa susunod na Linggo pa ang showing ng wedding special dahil sa mga eksena na kailangan na i-edit.

Mga tagahanga nina Dingdong at Marian ang mga nagtatanong. Sila ang fans na walang internet at mula sa malalayong lugar at hindi nakaluwas sa Quezon City para personal na saksihan ang pag-iisang dibdib ng kanilang mga idolo.

KRIS NATENSIYON SA GINAWA NI HERBERT

Lumipad sa Japan si Kris Aquino at ang kanyang mga anak noong bisperas ng Bagong Taon.

Winter wonderland ang gustong maranasan nina Joshua at Bimby kaya may-i-bring sila ng nanay nila sa Japan.

Bago matapos ang 2014, gumawa ng ingay si Kris. Bukod sa pakikipagbati niya kay AiAi Delas Alas,  parang bumabalik ang dating pagtitinginan nila ni Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Si Papa Herbert ang topic ng interview kay Kris habang hinihintay nito ang pagsisimula ng church wedding nina Dingdong at Marian noong Martes.

Naloka si Kris at hindi na ipinagpatuloy ang pagsasalita nang biglang umapir from nowhere ang kanyang ex-boyfriend.

Para matensyon si Kris, may kutob ako na may nararamdaman pa rin siya na pagmamahal para kay Papa Herbert. Malay natin, baka magkaroon ng Part 2 ang kanilang love affair sa 2015.

P.A. ni Celia Rodriguez kahanay ng mga ninang

Agaw-eksena si Manay Celia Rodriguez sa kasal nina Dingdong at Marian.

Pulang-pula si Manay, from head to toe. Hindi puwedeng i-deny na fashionista si Manay Celia dahil kayang-kaya niya na dalhin ang kanyang kabogera na outfit.

Tawang-tawa ako kay Manay Celia dahil nakipag-tsikahan portion siya sa mga tao na hindi niya feel. Ang kanyang explanation? Naging polite lamang siya at ‘yon ang hinihingi ng protocol.

Kung sosyal si Manay Celia na isa sa mga favorite showbiz personality ko, mas sosyal ang kanyang personal assistant na katabi namin sa upuan at kahilera ng ibang mga ninang.

Artista search ng TV5 dinagsa

Dinagsa ng aspiring stars ang artista search ng TV5 sa Quezon City Memorial Circle noong Miyerkules.

Ganyan katindi ang pangarap ng mga bagets na maging artista, kahit alam nila na wala silang karapatan na mapanood sa TV at mga pelikula.

Nalilimutan ng mga bagets na mahalaga pa rin na makatapos sila ng pag-aaral at magkaroon ng college diploma.

Kung lahat ng mga magaganda at guwapo eh naging artista, sobrang sikip na ng showbiz.

Kadalasan, kung sino pa ang mga walang plano na pumasok sa showbiz, sila pa ang nabibigyan ng break at sinusuwerte.

Show comments