Huling araw na ng taon ngayon at ayon kay KC Concepcion ay naging makulay ang buong 2014 niya. Maraming mga bagay daw ang pinagdaanan ng dalaga sa lumipas na isang taon. “Napaka-eventful ng 2014 ko. Sobrang extreme high, extreme na low. Na-realize ko sobrang grabe itong 2014. Una sa health. ‘Yun ang pinaka-challenging sa akin, health. Kasi nag-start ang year ko, nagka-pneumonia,” bungad ni KC. “Then nag-States ako ng three months. Maganda ang experience kaya lang na-polar vortex naman ako doon. ‘Yung sobrang lamig , so umuwi ako. Then blessing na nanalo pa ako ng award for Ikaw Lamang, nanalo ako ng award for Boy Golden, nanalo ako ng award for Huwag Ka Lang Mawawala, so napakaganda ng return. After no’ng nagkasakit ako, may blessing naman palang parating,” pagbabahagi ni KC. Matatandaang naospital din ang aktres noong October habang gumagawa ng teleserye. “Nagka-dengue ako ng one month. Parang sa set ko nakuha, nakagat ako, one month akong down. Ang hirap ng dengue, parang may humigop ng lakas mo for one month,” kuwento ni KC. Namatay naman ang lolang si Elaine Cuneta noong Nobyembre.
Samantala, simula January 5 ay mapapanood na ang Give Love On Christmas Presents Exchange Gift kung saan makakatambal ng aktres si Paulo Avelino.
Aiza at Liza abalang-abala sa kanilang ikalawang kasal
Abala na ngayon sa paghahanda para sa kanilang muling pagpapakasal sa January 8 sina Aiza Seguerra at Liza Diño. Naging kontrobersyal ang pagpapakasal ng dalawa sa California ilang linggo na ang nakalilipas. Hindi legal sa Pilipinas ang pag-iisang dibdib ng parehong kasarian kaya mayroong mga bumabatikos sa dalawa. “Hindi talaga namin pinaplano na we have to make a statement. We are advocates, of course. Pero kumbaga we’re not doing this to be recognized. We just feel we have to do this because number one, our families are here. Kahit gaano ka-special ‘yung wedding namin sa US, our families, our best friends are all here,” pahayag ni Aiza.
Muli raw silang magpapakasal sa bansa upang masaksihan ng kanilang mga pamilya ang kanilang pagmamahalan. “Napakaimportante na maibigay ‘yun sa pamilya namin. It’s not a statement we’re trying to make to other people. Ever since, this relationship has always been about us and the people we love, and it’s going to remain that way,” giit naman ni Liza.
Maraming mga kaibigan mula sa show business ang inimbitahan ni Aiza na dumalo sa espesyal na pagtitipong ito. “Happy ako kasi working in the industry, may perks din. I was able to invite friends who will sing for us for free. Happy ako kasi it will make everything more special,” pagtatapos ni Aiza.
Reports from JAMES C. CANTOS