Nakakatuwa namang dinalaw ni Gov. Vilma Santos sa piitan sina Sen. Jinggoy Estrada at Bong Revilla. Alam niyang makatutulong ang ginawa niya para mabawasan ang lungkot na nadarama ng dalawa niyang kasamahan sa showbiz at maging sa pulitika. Biruin mo, sa rami ng kanyang ginagawa ngayon, nagawa pa niyang maibahagi ang Kapaskuhan sa dalawa. Paano naman sila hindi matutuwa? Mabuhay ka, gobernadora!
KC at Paulo hindi pa rin pinaniniwalaan ang pagde-deny
Nakakatuwa talaga itong sina KC Concepcion at Paulo Avelino. Kahit ayaw maniwala ng lahat na friendship lang ang sweetness at closeness nila, consistent pa rin ang dalawa sa pag-deny ng kanilang totoong relasyon. ‘Yun nga lamang, consistent din sila sa pagiging sweet and close. Ano nga ba ang real score sa kanilang dalawa? May pumipigil ba para gawin nilang real thing ang kanilang relasyon?
Ryzza Mae walang malakas na nakalaban
Congratulations kay Ryzza Mae Dizon sa pagkapanalo niya ng Best Child Performer para sa My Big Bossing sa 2014 Metro Manila Film Festival (MMFF) Gabi ng Parangal. Kung sabagay, parang wala naman siyang kalaban dahil napakagaling talaga ng kanyang pag-aarte. Hindi kasing-tindi at kasing-bigat ang role ng ibang mga bata na nakasama sa MMFF kaya lamang talaga siya.