Mukhang maba-bash sa social media si Sarah Geronimo dahil inuna niyang pinanood ang movie nina Derek Ramsay at Jennylyn Mercado na English Only, Please kaysa sa Shake Rattle & Roll XV sa MMFF kung saan ay kasama ang boyfriend niyang si Matteo Guidicelli. Kung ang boyfriend niya ay hindi magdamdam at maiintindihan ang ginawa niya, ang kanyang fans ay hindi.
English Only… nina Derek at Jennylyn dumami ang manonood
Wagi sina Derek Ramsay at Jennylyn Mercado ng Best Actor at Best Actress sa Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival (MMFF) para sa pelikulang English Only, Please. Kung dati ay humahatak lamang ito ng manonood sa ganda ng mga sinasabi ng mga nakakapanood na nito, ngayon ay nagkaro’n na ng interes ang mas marami pang manonood dahil sa pagkapanalo nila. Napilitang magpalit ng kanilang panonoorin ang maraming hindi nakapasok sa second to the last screening nito sa Trinona Cinema noong nakaraang Linggo.
Bagong lider ng mga Aswang ni Dingdong inaabangan na
Maganda ang ipinamalas ni Isabelle Daza sa Kubot: The Aswang Chronicles 2. Marami ang natuwa sa maaksyon niyang pagganap bilang aswang sa pelikulang pinagbibidahan ni Dingdong Dantes.
Karapat dapat naman si Lotlot de Leon sa nakuha niyang award. Markang-marka ang nakuha niyang role sa pelikula na mas nakakatawa kaysa nakakatakot. Ngayon pa lamang ay interesado na ang mga manonood na gawin ang ikatlong franchise nito para malaman kung ano ang mangyayari sa anak ni Dingdong nang isoli sa kanya na isa nang aswang. Hanggang kailan nila maibibigay ang hilig nito sa karne? At ano’ng klaseng laban ang magaganap sa pagitan nina Dingdong at ng bagong pinuno ng mga aswang na gagampanan ni Marian Rivera?
Kris at Coco hindi nahulog sa isa’t isa
Come to think of it, walang love angle ang Feng Shui 2 kahit pa parehong single ang mga bida rito na sina Kris Aquino at Coco Martin. Kung meron mang nagtangkang lagyan ng romantic angle ang promosyon ng movie ay hindi nagtagumpay dahil masugid si Kris sa pagpapaliwanag kung bakit hindi sila puwedeng maging item ni Coco, at nagawa naman niyang papaniwalain ang mga nagtatanong. Sa kabila ng kakapusan ng romansa at love angle sa Feng Shui, nagna-No. 2 ito dahil mas nagugustuhan ng manonood ang istorya ni Chito Roño at ang bagong pakikipagsapalaran ng mga dating nagmamay-ari ng bagwa. Hindi ka papatayin ng pelikula sa takot, patitiliin ka lamang nito sa mga nakagugulat na mga eksena.