^

PSN Showbiz

Habang nagmi-misa Kris nabuhay ang ‘puso’ nang sorpresahin ni Herbert?!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Wow nangangamoy ‘reconcilation’ kaya sina Kris Aquino and QC Mayor Herbert Bautista?

Kahapon ay ipinakita sa programa ni Kris na nagkaroon ng thanksgiving mass sa kanilang bahay.

Pero sa kalagitnaan ng misa ay dumating si Bistek. Ang sabi, para i-congratulate si Kris sa tagumpay ng pelikula nito at maging ang kay Bimby Aquino Yap.

So sa pagpasok kaya ng 2015 ay may ‘balikan’ ang dalawa? May connection kaya ang quote ni Kris sa kanyang Instagram na : ““Do you ever wish you had a second chance to meet someone again for the first time?”

Naudlot ang sana’y relasyon ng dalawa nang mabilis na mabuko dahil sa pagkukuwento ni Kris.

Target na P1-Billion parang malabo mga nanonood ng MMFF movie nabawasan na, wala na halos pila

Umabot kaya sa P1-Billion ang kita ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2014 pagkatapos ng 13-day run? Parang nabawasan na kasi ang mga nanonood.

Last Sunday ay nanood ako sa Megamall ng isa sa mga pelikulang nasa top 3. Pero halos 50% lang ang laman ng sinehan. Walang kapila-pila at wala ring unahan sa upuan dahil naging pre-setting na ang mga sinehan. Pare-pareho na ang ticket prices – wala ng balcony and orchestra.

Pero ang nadagdagan ng sinehan at dumami ang screening ay ang English Only, Please matapos ang awards night kung saan common knowledge na nanalong best actor and best actress respectively sina Derek Ramsay at Jennylyn Mercado. Meron na silang 11:00 p.m. screening.

One billion ang target ng MMFF this year.

Although ang sabi ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na sa Day 3 ng MMFF, kumita na ang walong pelikula ng P365-Million, mas mataas ng 12% sa kita noong 2013 after three days ng opening.

As of yesterday ay walang bagong figure na inilalabas ang MMDA.

CBCP ‘nagalit’ sa no race no religion, ABS-CBN nag-pull out

Ni-recall na ng ABS-CBN Store ang ibinibenta nila na Pope Francis souvenir T-shirt na ganito ang quote ng Sto. Papa na No Race No Religion. Ito ay matapos  maglabas ng statement si CBCP (Catholic Bishop Conference of the Philippines) president and  Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na nililito ng nasabing quote ang mga tao at nanawagan itong ‘wag tangkilikin ang nasabing T-shirt.

“We urge our Catholic faithful NOT to patronize items with misleding posts and statements,” bahagi ng ‘Beaware’ statement ng CBCP president sa www.papalvisit.ph.

Kaya naman maagap ang ABS-CBN at nagpadala agad ng statement na wala silang intention na lituhin ang mga makababasa bibili ng T-shirt nila.

“ABS-CBN assures the public that there was no intent to deceive or mislead the public through the commemorative shirts that carry statements inspired by Pope Francis’ message of love, openness, and humility.

“We apologize if a particular statement shirt offended anyone. We are pulling out the item from our online shop and all retail partner stores,” ayon sa ipinadalang statement ni Mr. Bong Osorio, ABS-CBN spokesman.

 

BIMBY AQUINO YAP

CATHOLIC BISHOP CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

DEREK RAMSAY

ENGLISH ONLY

JENNYLYN MERCADO

KRIS AQUINO

LAST SUNDAY

PERO

POPE FRANCIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with