Pero quota na sa kita ng pelikula Kris at Vice Ganda luhaan sa awards night ng MMFF

Lotlot first time nakakuha ng acting award

MANILA, Philippines - Siyam na awards ang nakuha ng entry ni Robin Padilla na Bonifacio, Ang Unang Pangulo sa katatapos na Gabi ng Parangal ng 2014 Metro Manila Film Festival (MMFF). Ang paggawad ng Fernando Poe, Jr. Memorial Award ang personal na tinanggap ng Action King at inaasam na ang magkaroon ng biopic sa King ng Philippine Movies na gagampanan ng pamangkin na si Daniel Padilla!

Itinanghal din itong Best Picture at ginawaran ng Youth’s Choice Award at Gatpuno Antonio Villegas Cultural Award. Hindi nga lang napunta kay Robin ang Best Actor at kay Vina Morales ang Best Actress na nasungkit nina Derek Ramsay at Jennlyn Mercado na kapwa first time winners sa MMFF dahil sa romantic movie nilang English Only, Please mula sa producer na si Atty. Joji Alonso.

Bukod sa Best Child Performer na pinanalunan ni Ryzza Mae Dizon para sa entry na My Big Bossing, ang Bonifacio, English Only, Please at Kubot: The Aswang Chronicles 2 lamang ang mga entries na nakakuha ng tropeyo sa acting at production people. Ang tatlong movies ring ito ang nakakuha ng first, second, and third best picture.

Eh, kahit walang nakuhang award ang Praybeyt Benjamin 2 at Feng Shui 2, dedma na naman sila sa trophies basta nasa kanila ang malaking kita sa takilya, huh!

Ayon kay Kris Aquino na host ng awards night kasama si Edu Manzano, “Quota na kami!” Ibig sabihin, nakuha na nila ang ginastos sa produksyon at tubong-lugaw na lang ang hinihintay nila.

“But as a stage mother, happy na ako at na-nominate ang anak kong si Bimby. Enough na ‘yon! Ha! Ha! Ha!” pahayag ni Kris kahit natalo ni Ryzza Mae ang anak.

Nagpasalamat naman si Kris sa pagpayag ni Edu na maging co-host ng gabi kahit last minute replacement lang siya.Libing kasi ng lolo ni Vice Ganda kaya hindi niya nakasama sa stage.

Ang winners naman ng best supporting actress ay si Lotlot de Leon para sa role niya sa Kubot habang si Joey Marquez ang best supporting actor na kasama niya sa movie. First acting award ni Lotlot at mangiyak-ngiyak siyang inialay ito sa parents niya, Nora Aunor at Boyet de Leon.

“I hope you will be proud of me!” saad ni Lotlot.

Of course, hindi lahat ay naging masaya sa resulta ng Gabi ng Parangal. Meron kaming nabalitaan na taong galit sa resulta sa ilang kategorya. Sabi nga ni Kris, sa bawat awards night, there are winner and there are losers!

Anyway, congratulations sa lahat ng winners at tangkilikin ang mga pelikulang ito nang sa gayon, gumanda naman ang kita nito sa takilya, huh!

Handa na ang lahat sa kasalan: Tatay ni Marian nasa ‘Pinas na!

Personal na sinalubong sa airport nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang father ng Royal Bride na si Francisco Gracia galing sa Spain. Ang father ni Yan Yan ang maghahatid sa kanya sa altar ng Immaculate Conception Church sa hapon ng Disyembre 30, Martes.

Handang-handa na nga ang lahat sa biggest showbiz event ng taon. Naku, iwasan ang papunta sa Immaculate  Chruch dahil siguradong maiipit kayo sa traffic, huh!

Invited din kasi kami sa simbahan, pero hindi na kami pupunta dahil mainit at tiyak na dagsa ang taong makikiusyoso sa kasal nina Dong at Yan Yan, huh!

Kahit malayo, sa SM Mall of Asia Arena na lang kami go para sa reception.

Isang araw na lang, opisyal nang Mrs. Dantes na si Marian!                     

Show comments