Kris ayaw pataob kay Vice Ganda

Aba, at talagang gustong talunin ni Kris Aquino na Feng Shui 2 ang pelikula ni Vice Ganda na The Amazing Praybeyt Benjamin sa takilya kung saan kasama ang anak niyang si Bimby Aquino Yap. Wini-welcome naman ang hamon kay Vice Ganda.

‘Yun ang matatawag kong friendly competition. At sana ganu’n lahat ng magkakalaban, pagkatapos ng kumpetisyon ay magkaibigang muli.

Charice at Alyssa puwede namang hindi na gayahin sina Aiza at Liza

Marami ang nag-iisip na susunod na kina Aiza Seguerra at Liza Diño na magpakasal si Charice Pempengco sa GF nitong si Alyssa Quijano. Wala akong tutol sa mga magkaka-live-in na pareho ang kasarian pero puwede namang wala nang kasal sa pagitan nila eh. Pero dahil gusto nilang ilagay sa ayos ang kanilang relasyon, sino naman tayo para tumutol? Relasyon na nila ‘yun at obligasyong ihingi ng pahitulot sa Diyos. Best wishes na lang sa inyo.

 

Show comments