^

PSN Showbiz

JC pagod na pagod mula nang maging Kapamilya

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Masayang-masaya si JC de Vera dahil naging matagumpay ang showbiz career niya ngayong 2014. Naging bahagi ng malalaking teleserye ang aktor mula nang lumipat sa Kapamilya network.

Sa pagpasok ng 2015 ay isa na namang bagong serye ang pagbibidahan ng aktor, ang Pasion de Amor. “Definitely naging bigger talaga siya. Mas naging pagod ako pero happy pagod ‘yun. Masayang-masaya ako na hindi ako nakakapagpahinga, masayang-masaya ako na hindi rin ako nahihinto. Continue lang ‘yung blessings na dumadating sa akin. So masaya, masayang-masaya ako. ‘Yung buong 2014 very fruitful talaga siya,” pahayag ni JC. Kamakailan ay napabalitang titigil na raw ang binata sa pag-aartista dahil sa pagod na kanyang nararamdaman sa trabaho.

“Never akong humindi sa work and kung makikita n’yo ‘yung track record ko for the past 11 years, hindi kayo makakarinig sa akin na nagreklamo ako o tumanggi ako sa work dahil ayoko lang. Hangga’t kaya kong mag-work, magtatrabaho ako and as long as nabibigyan tayo ng magandang opportunity, walang reason para huminto. Siyempre habang nakakakita ka ng magagandang opportunities siyempre strike ka lang,” paglilinaw ng aktor.

Bida rin si JC sa Shake, Rattle & Roll 15 na palabas pa rin ngayon sa mga sinehan. Maipagmamalaki raw ng aktor ang nasabing proyekto dahil malaki ang kaibahan nito sa mga nauna niyang nagawa. “Mas nag-improve siya, mas pinalaki ‘yung computer graphics, mas humabol sa level ng mga ginagawang horror ng iba. So in-upgrade na talaga siya. Mas nag-evolve na talaga ang Shake, Rattle & Roll, mas lumaki,” pagbabahagi ng binata.

Samantala, wala pa ring karelasyon ngayon si JC pero mayroon daw siyang bagong inspirasyon. “Hindi mo masabing nililigawan pero meron tayong nilu-look forward na makita at makasama. Malalaman n’yo, hindi naman ako ‘yung nagtatago kapag sa ganyang aspect,” pagtatapat ng aktor.

Vina ayaw nang maging tigang, naghahanap na ng madyo-dyowa

Limang taon na ngayon ang anak nina Vina Morales at businessman na si Cedric Lee. Si Cedric pa ang huling nakarelasyon ng aktres kaya anim na taon na raw ang nakalilipas nang huling magkaroon ng kasintahan si Vina.

Ngayon ay nakahanda na raw ang aktres na magkaroon ng bagong nobyo. “I should start dating. This is my year. I should claim it. This year, medyo tameme ako kapag merong nag-ask sa akin for a date. I guess I should stop worrying,” nakangiting bungad ni Vina.

Hindi raw nakipagrelasyon ang aktres nang ilang taon dahil natatakot siya na muling masaktan. “I’m kind of scared in a way. I should stop being scared na masaktan ulit ako kasi medyo naka-close masyado ang aking puso. I should start believing in people, in guys who have good intentions. I should start giving them a chance,” giit ni Vina. Reports from JAMES C. CANTOS

 

AKO

BIDA

CEDRIC LEE

HANGGA

KAMAKAILAN

KAPAMILYA

SI CEDRIC

VINA MORALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with