John Lloyd nasabik kay Andrea!
MANILA, Philippines – Sabik na sabik ang karakter ni John Lloyd Cruz sa hit comedy show na Home Sweetie Home dahil nagkaroon sila ng reunion ng mga high school batch mates niya. Pero higit sa lahat, excited si Romeo (John Lloyd Cruz) dahil nakita niyang muli ang kanyang high school sweetheart na si Darla (Andrea del Rosario). Inimbita ni Romeo si Julie (Toni Gonzaga) sa reunion, pero hindi interesado ito na sumama sa kanya. Pero nang malaman ni Julie na pupunta sa reunion si Darla, palihim itong pumunta sa event.
Huwag palampasin ang mga susunod na episode ng Home Sweetie Home sa ABS-CBN, na napapanood tuwing 6 p.m.
- Latest