Model for a day ng Robby Rabbit

MANILA, Philippines – Binigyan ng Robby Rabbit ng pagkakataon ang mga bata na maging modelo ng isang araw at rumampa kapalit ng at least P800 na halagang bilihin mula sa Robby Rabbit Apparel.  Nagkaroon din sila ng picture kasama ng Robby Rabbit mascot. May glitter art pa.

Nanood sila ng fashion show kung saan pinakilala ang mga bagong endorsers ng Robby Rabbit – ang Team Kramer Kids na sila Kendra, Scarlett, at Gavin. Dito rin pinakita ang koleksyon ng Robby Rabbit para sa Kapaskuhan.

Nagkaroon din ng oportunidad na magpakuha ng larawan sa entablado ang mga batang modelo kasama ng Team Kramer Kids.

Iba-iba ang gusto ng Team Kramer Kids. Ayaw ni Fashion Diva na si Kendra ng makakating tela.  Nagustuhan ni Gavin ang shirt na may double deck bus kasi mahilig siya sa sasakyan.  Ang fashionista na si Scarlett naman ay mahilig sa kaswal na pananamit.

“Like it, Wear it, Love it!” ang bagong tagline ng Robby Rabbit Apparel para sa Pamasko nitong kolekyson.   Ang siudad ng Paris ang inspirasyon nito para sa kasuotang pambabae samantalang ang sa lalaki naman ay ang London.

Ang mga kasuotan at bag ng Robby Rabbit ay nasa nangungunang department stores sa buong bansa. Maaring bisitahin ang Myrobbyrabbit sa Facebook para sa mga detalye.

Show comments