Nadine normal na normal ang hitsura ‘pag walang makeup, Camille hindi flawless, puro mantsa ang legs

SEEN: Walang make-up, ordinaryong-ordinaryo ang hitsura at hindi mukhang artista si Nadine Samonte nang magpunta siya sa isang telecommunication company sa Greenhills noong Biyernes kaya hindi siya pinansin ng mga tao.

SCENE: Maraming tao, masarap ang pagkain pero poor service sa Locavore, ang restaurant sa Pasig City na pag-aari nina Mark Lapid at Tanya Garcia. Matagal bago dumating ang mga order at inaabot ng siyam-siyam ang pagbabayad ng bill.

SCENE: May “special participation” sa English Only, Please ang donut na ini-endorso ni Derek Ramsay.

SEEN: Subtle ang paggamit ni Vic Sotto sa laundry soap na ini-endorso niya sa isang eksena ng My Big Bossing. Hindi binanggit ni Vic ang pangalan ng sabon pero ginamit niya na dialogue ang tagline ng laundry soap.

SCENE: Hindi natitinag sa Top 3 films ng 2014 Metro Manila Film Festival (MMFF) ang My Big Bossing, The Amazing Praybeyt Benjamin, at Feng Shui 2.

SEEN: Maraming marka sa binti ni Camille Prats at pansin na pansin ang mga mantsa sa kanyang balat  kapag nakasuot siya ng bestida.

SCENE: Mapapanood bukas, December  29, sa Supermodel Me Sirens ng  Diva TV Asia ang guesting ni  Ruffa Gutierrez.

Show comments