PIK: Nakakatuwa ang dating magkasintahang Kristofer Martin at Joyce Ching dahil na-maintain nila ang friendship pagkatapos nilang mag-break.
Aminado si Joyce na sobra siyang nasaktan sa break-up nila ni Kristofer dahil first boyfriend daw niya ang aktor. Pero dahil sa dasal, nalagpasan daw niya ito at naging magkaibigan pa sila ni Kristofer. Kaya kumportable raw silang dalawa nang magkasama sila sa bagong drama series nilang Healing Hearts ng GMA Telebabad.
PAK: Pinaghahandaan na raw ng ina ni Charice Pempengco na si Mommy Raquel na isa sa mga araw na ito ay magpapakasal na raw ang kanyang anak sa kasintahan nitong si Alyssa Quijano.
Pahayag ni Mommy Racquel: “Pinaghahandaan ko na rin ‘yung sarili ko dun kasi andun na ‘yun eh.
“Siguro lahat naman mangyayari ‘yun, pero tinanong ko sila nung nabalitaan ko nga ‘yun.
“Sabi ko sa kanila, nagbibiro ako, ‘kailan ba ako magkakaroon ng apo?
“Kaya nakakapagsalita na ako ng ganun. Dati hindi ko nai-open ‘yun naiinis ako.
“Ngayon, talagang kahit ako na nagbibiro ngayon kasi iba talaga ‘yung pakiramdam na magiging mapagbigay ka para sa ikakasaya ng pamilya mo.”
BOOM: Sinamahan si Sen. Bong Revilla sa Camp Crame ng buong pamilya niya nung nakaraang Pasko, kaya nakikita namang masaya ito, pati si Sen. Jinggoy Estrada na sinamahan din ng buong pamilya.
Pero aminado si Lani Mercado na kahit kumpleto sila kasama si Sen, Bong, malungkot pa rin daw sila, dahil iba raw talaga kapag magkakasama sila sa bahay.
Okay daw ang pakiramdam niya kapag kasama nila si Sen. Bong sa Crame, pero pag-uwi raw niya ay doon daw niya naramdaman ang lungkot dahil nararamdaman nila ang absence ng haligi ng tahanan.
Sa darating na bagong taon ay kailangang kumpleto pa rin daw sila sa Camp Crame, para hindi raw maramdaman nina Sen. Bong ang lungkot na inabot na sila roon ng Pasko at Bagong Taon.