James Reid pahinga na sa pagiging gangster!

Nakatakdang ipalabas na sa susunod na taon ang ikatlong pelikulang pinagtatambalan nina James Reid at Nadine Lustre, ang Para Sa Mga Hopeless Romantic. Makakasama rin ng dalawa sa nasabing proyekto ang bagong tambalan nina Julia Barretto at Iñigo Pascual.

Para kay James ay proud daw siyang makasama sa unang pagkakataon sina Julia at Iñigo. “I haven’t been able to work with them actually. I have worked with Iñigo once before Relaks, It’s Just Pag-ibig but I am really proud to do a movie with them both,” nakangiting bungad ni James.

Ayon sa aktor ay ibang-iba raw ang kanyang ginawa sa bagong pelikula kumpara sa mga naunang pelikula nila ni Nadine. “So far it’s really good. It’s very different from my last two roles. My character’s so down to earth, more relatable. He is a simple UP student, very different then from the rich gangster, gangster lang but it’s going to be good,” pagbabahagi ni James.

Samantala, kamakailan ay pumutok ang balitang nag-uugnay sa binata at sa kapatid ni Kim Chiu na si Twinkle. Diumano ay mayroon na raw espesyal na namamagitan sa dalawa. “Nothing, we met each other a couple of times outside. Not really friends but we know each other, common friends,” paglilinaw ng aktor.

Hindi rin daw nililigawan ni James si Twinkle. “No, I am not dating anyone at all. Right now no. I am so busy, I don’t even have time for myself,” giit ng binata.

Daniel ayaw nang mag-model, tututukan na lang ang pag-aartista

Mukhang titigil na raw sa modeling si Daniel Matsunaga sa pagpasok ng 2015 dahil gusto niyang pagtuunan ng panahon ang pagiging isang aktor. Mula nang manalo sa Pinoy Big Brother ay kabi-kabila na raw ang acting projects na nakukuha ng binata. “It’s pretty crazy. Ang daming blessings coming into my life. I’m very happy kasi talagang my dreams are coming true. I don’t even know how to thank everyone kasi ‘yung purpose na sinabi sa akin ni God na for me to be here in the Philippines, siguro it’s coming true just now. I’m very blessed,” pahayag ni Daniel.

“In 2015 I will take more workshops. Siguro ‘yung Tagalog lessons kasi gusto ko mag-improve. This is what I always dreamt of and it’s happening now,” dagdag pa niya.

Matagal-tagal na rin si Daniel sa mundo ng modeling kaya gusto na munang mag-concentrate ng binata sa pag-a-artista. “You can’t do so much of both worlds. If you end up doing too many things at the same time, you will end up not doing it right. I prefer to do something right and better than just try to do many things at the same time. I want to try another field that’s more challenging and that’s showbiz,” paliwanag ni Daniel.

Reports from JAMES C. CANTOS

Show comments